II

88 4 1
                                    

NOVEMBER 11: Wednesday

JACQ

Tumayo ako sa kina-uupuan ko.

Umiling-iling na lang ako. Tumingin ako sa nakasabit na orasan. Napa-iling na naman ulit ako ng marahan.

Mag-aalas tres na ng madaling araw pero hindi pa din ako makatulog ng maayos. Pa'no ba naman kasi, hindi ko magawang paniwalaan 'yong nangyari kanina.

Bwisit. Akala ko babae 'yon. Tsk. At in-accept ko na 'yong pagiging DeathNer ko sa kan'ya. Bawal nang umatras. At dahil s'ya ang humingi ng DeathNer... P'wede sa kan'ya ang babae o lalaki. Eh pa'no ako? Hindi ko naman alam na lalaki pala 'yon. Kasalanan naman n'ya eh, pambabae ang pangalan n'ya. Damn it.

Anyway, wala na akong pakialam. Kahit pa man na kailangan kong maghintay ng 50 days--I roll my eyes--ang mahalaga may DeathNer na ako at mamamatay na ako.

Pero pipilitin ko ang lalaking 'yon na gawing tatlong araw na lang ang pag-eenjoy n'ya sa buhay n'ya. Nagulat na lang ako nang biglang umilaw ang phone ko at tumunog ito.

Nanlaki ang mata ko nang nakita ko ang tumatawag sa aking cellphone. At mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko kung anong oras na.

Devil's hour.

'Lang 'ya.

Sino ba'ng demonyo ang tatawag saakin ng ganitong oras? Kinuha ko naman agad ang cellphone ko at sinagot ang kung sino man ang baliw na tumatawag saakin ng ganitong oras.

Itinapat ko ang cellphone ko sa tainga ko.

["Naks. Bilis sumagot."]

Halos ihampas ko ang cellphone ko sa pader. In-end ko ang tawag. Tumayo ako at pumunta sa desk ko. Binuksan ko ang laptop ko at pumunta sa site na 'yon.

This house is ours. Nav family, only. And since other people are here inside our house, I made a better way not to see them. Umuuwi ako kapag alam kong matutulog na sila. At papasok ako sa klase kapag tulog pa sila.

Quin: Ba't mo ako binabaan? :(

Hindi ko nalang siya sinagot. Bwisit na lalaki. Kapag hindi pa ako makatulog ngayon, hindi naman ako makakatulog pa.

Inalis ko na ang tab kung saan ang web site na yun. Nagsearch na lamang ako ng mga facts. Tutal hindi na rin lang ako makakatulog.

One of the best superstitious beliefs:

>>Once you die at the day of Christmas the heaven were open and your soul will enter the heaven immediately.

I smile from what I've read.

Bigla namang umilaw muli ang cellphone ko at tumunog. Dali-dali ko naman itong kinuha at sinagot ang tawag nya. Nang nakangiti.

["Woah. Gising ka pa talaga..."] Mahina nitong bungad saakin.

I smiled again. Don't get me wrong.

"Let's meet." I said. Not a question but a command.

I roll my eyes.

["Ba't gising ka pa?"] Wangjo. Iniiba ang usapan.

"Bakit mo iniiba ang usapan?" Tanong ko pa sa kan'ya.

["Ba't di mo sinasagot?"]

I rolled my eyes. Psh.

"Kelan kaya tayo--"

Love SuicideWhere stories live. Discover now