DECEMBER 2: Wednesday
Hindi ko alam kung ano'ng meron sa'kin ngayon pero... Nangangalam ang sikmura ko't nahihilo din ako. Siguro dahil na din sa hindi ako nagbreakfast at halos hindi na ako makatukog kagabi.
Ah shit. Naririnig ko nga ang sikmura ko na kumakalam.
Napahawak ako sa'king sintido nang maramdaman ko ang kaunting pagkahilo. Napatigil ako sa paglalakad nang makapasok na ako sa campus. Siguro diretso muna ako sa canteen. Napatingin ako sa orasan ko.
6:32 palang ng umaga. Nagpatuloy ako sa paglakakad.
"Oh," napahawak ako sa'king tyan at nagpatuloy na sa paglalakad kasabay ang isang estudyanteng may kausap sa telepono. "Do you think natanggap niya?" Napalingon ako sa kasabay ko.
Si Kate.
"Ahh." Napatango-tango ito na tila ba nakikita siya ng kaniyang kausap sa telepono. Pinadaanan ko siya ng tingin at nakita kong parang dismayado siya. "S-sige. Salamat, Justin." Nakangiti nitong sabi pero hindi nakatakas sa'king paningin ang luha na kumawala sa kaniyang mga mata.
Agad niya naman itong pinunasan. Tss, obvious naman ata na binabagalan ko ang paglalakad ko, makasabay ko lang siya. Pero binilisan ko nalang para hindi ako mahalata na ako 'yon. Nalagpasan ko na siya kahit papa'no. "Hey." Napatigil ako sa pagalalakad ko.
Napalingon ako kay Kate na ngayon ay naka-upo sa isa sa mga lounge do'n. "Can you be my friend even for today?" She asked that made me gulp.
"O-okay." Naglakad ako ng dahan-dahan papunta sa may sakaniya. Umupo ako sa tabi niya at napahawak sa'king t'yan na patuloy sa pagkalam.
Umiiyak siya. "I know you and Joshua are at the same class." She said while looking into my eyes.
Napatango nalang ako. "Ah shit." Bulong ko sa'king sarili na sana hindi niya narinig.
"M-mahal ko kasi... M-mahal ko kasi 'yon, J-jacq." Mahina niyong sabi habang nakapangalumbaba sa sementadong mesa ng inuupuan namin ngayon.
"I love her... But I choose not to let her know."
Napangiti ako sa'king isipan nang maalala ko ang sinabi ni Joshua sa'kin kahapon. Magsasalita pa sana ako no'n nang bigla niya akong higitin at dalhin sa Faculty Room ni Ma'am Chavez at dalhin sa cubicle nito.
"M-malay mo." Nagkibit balikat lamang ako at napatingin siya sa'kin sa sinabi ko. "Mahal ka din no'n." Napahinga ako ng malalim nang makita ko siyang ngumiti.
Darn it. Nahihilo na talaga ako, shit.
Nakita ko siya na dahan-dahang papalapit sa'kin habang handa na niya akong yakapin.
Napahawak ako sa'king ulo at naramdaman ang pagkirot nito. Nakikita ko na ang paggalaw ng mundo.
"Jacq? Ano'ng nangyayari sa'yo? Ayos ka lang ba?" Pagtatanong ni Kate. Hindi ko na siya gaanong makita dahil tila ba iniikot ako ng paulit-ulit.
"Shit." Bulong ko.
"Jacq!"
×××
YOU ARE READING
Love Suicide
Teen FictionEscaping your problems through death wasn't the best way to forget all things and forget the happiness that you deserve.