DECEMBER 24: Thursday
We stood up and saw Jasmin with Justin.
"Bro, buti naman naisipan mo pang dumating?" Natawa si Justin sa sinabi ni Quin.
"Traffic ngayon sa highway pare, hindi ka ba aware na ilang oras nalang, Christmas na?" May hawak na kung ano si Justin sa kaniyang kanang kamay na inilahad niya kay Quin.
Hindi pinansin ni Quin ang kaniyang sinabi at inabot lang ang dalang paper bag.
"Salamat." Nakangiti nitong sabi. "Uy, hi Jasmin." Sabi niya sabay wink.
"Hello." Tumingin sa'kin si Jasmin at ngumiti lang ako sa kaniya.
"Jasmin, do you love Justin?" I asked her straight.
Her face is priceless. Siguro kung may iniinom siya, naibuga na niya 'yon sa'min.
"Jacq," tawag sa'kin ni Justin na para bang naiiyak na.
"What?" I asked him back and he just looked away that's why I looked at Jasmin. "Answer my question, Jasmin."
Nakita ko na napalunok siya at kita ko din ang magkahawak na kamay nila ni Justin. "Excuse me?"
Napatingin kaming lahat kay Quin at nakangiti siya. "Jasmin, answer the question not because you're afraid of us but because you do love our friend or... not?"
"Y-yeah." Napatingin ako sa reaksyon ni Justin pero nakatulala lang siya sa'ming dalawa. "I love him."
Tiningnan lang namin ni Quin kung ano ang gagawin ni Justin pero nanatili siyang nakatulala.
"Dude," hinampas ni Quin si Justin ng hawak niyang paper bag para magising sa katotohanan. "Ano na?"
Humarap si Jasmin kay Justin nang nakangiti. "I love you, Justin."
Tumalikod na ako habang hawak ang kamay ni Quin. "I think we should leave." I decided.
"But why?"
I faced him. "Sila naman ngayon. Uuwi na ako."
"Teka lang, ba't biglang nag-iba ang mood mo?"
"Mood swings."
"May gagawin pa sana tayo eh, sayang."
Napatigil ako sa paglalakad at napalingon sa kaniya. Napatingin ako kay Justin at Jasmin na nasa likod lang ni Quin kaya napalingon na din siya. "Look, we should celebrate for them."
"Celebrate-celebrate pang nalalaman, mamatay lang naman."
"Ha? Ano 'yon? May sinasabi ka ba?"
"Bingi ka lang ata." Sabi ko sa kaniya.
"No, hindi ko lang narinig."
"Bingi ka nga! Or you're too attached with the situation of Jasmin and Justin that you can't hear me."
Natahimik siya sa sinabi ko. "Oh," inabot niya sa'kin 'yong paper bag.
Biglang kumabog ng malakas 'yong puso ko.
"A-ano 'yan?"
"Bulag ka ba?"
Tiningnan ko siya ng masama. "Alam mo, ewan ko sa'yo."
YOU ARE READING
Love Suicide
Teen FictionEscaping your problems through death wasn't the best way to forget all things and forget the happiness that you deserve.