XLI

2 0 0
                                    

DECEMBER 5: Saturday

QUIN

Napangiti ako nang makita ko siya. Itinaas ko ang aking kamay at nakita niya naman ako.

"Hey Ken!" Sigaw niya nang malapit na siya sa'kin. Nginitian ko lang siya at sinenyasan na maupo na siya.

Napalunok ako at hinigpitan ang aking hawak sa cellphone ko. "Sorry, bukas nalang. I gotta go. Bye." Magsasalita na sana siya nang ibaba ko na ang tawag.

I gritted my teeth, controlling myself.

"Oh, sino 'yon?" Pagtatanong ni Kate nang maka-upo na siya sa upuan kaharap ko.

Napangiti ako at umiling. "Wala lang."

Tiningnan niya ako ng nakakaloko. "Si Jacq 'yon 'no?" Pagtatanong niya sa'kin.

Napangiti ako. "Hindi."

"Aba ay, bakit ganiyang ngiti mo nang mabanggit ko siya?" Tiningnan ko lang si Kate at napahinga ng malalim.

"Masaya lang ako," pagdadahilan ko kahit hindi naman talaga totoo.

"Oh, sige. Sabi mo eh." Nagkikibit balikat niyang sabi habang may kung ano'ng kinakalikot mula sa kaniyang bag. Huminga siya nang malalim nang makuha na niya ang hinahanap niya at tumingin sa'kin tsaka niya inabot ang notebook niya. "Thank you." She said in a longer time. I chuckled a bit.

Inabot ko ang kaniyang notebook at binuksan. "Tungkol sa'n ba?" I asked.

She looked up on the ceiling, thinking of some topic. "Tungkol sa kaniya, kaibigan mo naman 'yon eh." Nakangiti nitong pahayag kaya naman napa-isip ako.

Tumingin ako sa phone ko nang umilaw ito at biglang nag-vibrate. Huminga ako ng malalim at tiningnan kung sino ang tumatawag.

Napangiti ako ng nakakaloko at tumingin kay Kate, napatingin siya sa'king cellphone na itinuro ko. "Excuse muna."

Tumayo ako at lumabas ng coffee shop. Huminga ako ng malalim bago ko sagutin ang tawag niya.

"Oh, Justin?"

["Ken!"] Napababa ang aking balikat sa paraan ng pagkakatawag niya sa'kin.

"A-ano bang nangyaring ugok ka?" Pagtatanong ko habang nalalakad pabalik-balik sa may entrance ng coffee shop.

["S-si..."] Hindi ko alam pero parang naiiyak siya mula sa kabilang linya.

"Sino?" I can't help not to worry because he's also my friend.

["Si Justin 'to bro!"] I close my eyes in irritation.

"Bakit ka ba kasi tumawag?"

["Asan ka?"] He asked, changing the topic.

"Sa coffee shop."

["Ahh."] I imagined him nodding. ["Sino kasama mo?"] Ibababa ko na sana ang tawag nang humirit pa siya.

"Alam mo, nakakapersonal ka na Justin ah!" Naiinis ko nang sabi.

["Bro kasi..."] Napahinga ulit ako ng malalim. ["Kita tayo?"] He asked in a more sincere tone.

"Sige, magkita nalang tayo," I heavily sigh in defeat. "Kasama ko kasi si Kate ngayon eh, nagpapatulong sa--" naalala ko na bawal pala niya malaman. "Sa assignment namin."

Love SuicideWhere stories live. Discover now