XC

6 0 0
                                    

DECEMBER 24: Thursday

Tapos na kami magperform kaya nagsalita na agad ang masters of ceremony. Nakatingin lang siya sa'kin kaya hinila ko na siya pabalik sa back stage.

Nang makadating na kami ng back stage, agad kong binitawan ang kaniyang kamay.

"Jacq," rinig kong tawag niya sa'kin.

Nakakahiya kaya.

"Jacq," napalingon ako nang biglang may tumawag sa'kin. Si Tita Richie. Ngumiti ako sa kaniya at niyakap niya naman ako, humiwalay siya sa pagkakayakap niya sa'kin. "His face was priceless, up until now." Then she laughed a bit that's why I just smiled at her.

"Tita... We need to talk." Nag-aalangan ko sanang sabi sa kaniya. Napangiti lang siya sa'kin.

"Go ahead," she looked at my back to see his son that's why I also looked back. "Beside wala naman na kayong gagawin dito and, you two can celebrate the Christmas together."

I smiled at her and, "thank you Tita." And then I hugged her.

Iniwan na ako ni Tita Richie na naka-tayo lang do'n. At hindi ko alam ang sasabihin ko sa kaniya.

Humarap na ako sa kaniya at ngumiti ng awkward, damn it.

"Tara?"

Nakatulala pa din siya at nakatingin sa'kin. Hindi siya sumagot kaya naman hinatak ko nalang siya papunta sa parking lot.

"Sa'n?"

"You should've asked that a while ago." Sagot ko sa kaniya habang papasok sa loob ng driver's seat.

"Tinatanong na nga ngayon ng maayos eh." Gosh, this man is getting into my nerves.

Hindi ko na siya sinagot at pinaharurot ang sasakyan sa kung sa'n ko siya dinala dati.

"Hoy, Jacq sa'n ba tayo pupunta?" Laging 'yan ang tinatanong niya sa'kin pero hindi ko siya sinasagot.

Nanatili akong tahimik habang nagda-drive. Malayo-layo pa ang iba-byahe namin, hanggang sa namalayan ko nalang na tulog na pala siya sa passenger's seat.

Nakakatuwa.

Napatigil na ako sa pagda-drive, at dahan-dahan akong napatingin sa kaniya. "HOY GISING BUSET KA BA'T MO AKO TINULUGAN?!" S'yempre 'di 'yan ang sinabi ko, basta sa isip ko lang 'yan sinabi.

"Vega." Tawag ko sa kaniya. Niyugyog ko ang balikat niya pero hindi siya gumagalaw. "Gising, nandito na tayo."

Wala pa din.

Sabihin ko kaya 'yong sinabi ko sa isip ko?

"Quin Vega!"

Nanti-trip na naman ata 'tong bansot na 'to. Napasandal nalang ako sa headboard at napatingin lang sa kaniya.

Nakanganga pa ampota.

Lumapit ako sa kaniyang mukha para isara sana 'yong nakanganga niyang bibig nang bigla niyang imulat ang mga mata niya.

Nagkatitigan kami ng ilang segundo at ialng segundo na ding malakas ang tibok ng puso ko. "A-ah, andito na--"

Napatigil ako sa pagsasalita at paglayo sa kaniya nang bigla niya akong higitin mula sa'king likuran.

"Love mo 'ko?" Napapikit ako at napahinga ng malalim kahit na ang lapit niya sa pagmumukha ko.

"Let me go." Mas nilapit niya ako sa kaniya.

Love SuicideWhere stories live. Discover now