DECEMBER 17: Thursday
Napasalampak ako sa'king kama pagkadating na pagka-apak na pagka-apak ko sa'king k'warto.
Binuksan ko ang aking cellphone at unang-una kong nakita ang kaniyang numero. Ganitong oras, matapos niya akong ihatid at 'di siya nagpumilit na mag-usap kami, tinatawagan niya na agad ako.
Putcha, two days pero parang ang tagal-tagal na.
It still haunts me.
"I love you."
Napapikit ako at inilagay ko ang aking kanang braso sa'king noo.
Ang sakit.
Because I finally realize that he asked me.
"Eh pa'no nga? Nakasanayan mo na 'yong taong 'yon eh." Naiinis kong ibinaba ang aking kamay at tinuwid ang aking upo.
"Matuto kang umiwas."
"Eh pa'no kung..." Inilapit niya ang kaniyang mukha sa mukha ko. "Ganito na kami kalapit sa isa't isa."
Itinulak ko siya palayo at sumandig muli sa pader. Humalukipkip ako at napatingin sa itaas. Dahil kung hindi ko siya itutulak palayo, baka sumabog na ang aking puso.
"Gano'n gawin mo." Sabi ko sa kaniya.
"Alin? Itulak palayo?" Napatango ako sa sinabi niya at bahagyang napangisi. "Hindi ko ata 'yon magagawa."
"Pero bakit tinulak mo ako palayo?" Napalunok ako.
Shit, I am crazy.
Hinayaan ko nalang ang sarili ko.
Hinayaan ko na umiyak nalang hanggang sa kailan ko gusto. Ilang beses na mayro'ng kumatok sa'kin pinto pero sinasabi ko na tapos na akong kumain.
Napatingin ako sa orasan. Alas-nuebe na ng gabi at nakapikit lang ako.
Nakakainis lang kasi.
Hindi ko alam kung ginagantihan lang ba talaga niya ako o kung ano pero...
Sana kasi hindi na ako nagpakatanga at sinabi ko na sa kaniya ang totoo.
Una palang, pamilyar na talaga siya sa'kin pero hindi ko hinayaan na manalo ang aking pagka-curious kung bakit siya pamilyar. Mas inuna kong isipin kung paano na kami magpapakamatay.
Mas una kong inisip ang sarili ko.
Madami siyang bagay na ipinapadama sa'kin na bago sa'king pakiramdam. Hindi ko maipaliwanag ang mga nararamdaman kong 'yon because that's the first time that I'm close to a guy aside from Papa and Kuya Josh.
No'ng una, naiintindihan ko siya. Peeo habang tumatagal na at tumatagal, mas nagiging iba na siya.
Mas seryoso na siya.
"The stars are up the sky, but why do I see a star that's not above?" Tumingin siya sa'kin. "She's not the star that's used to look by my eyes. But when I look deeper and see her, I must know that I've been falling... In love."
Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga salitang binitawan niya no'ng mismong araw niyang 'yon.
'Yan ang mga salitang itinatanong niya sa'kin no'ng isang araw. Isa 'yan sa mga salita na gumugulo sa'kin.

YOU ARE READING
Love Suicide
Fiksi RemajaEscaping your problems through death wasn't the best way to forget all things and forget the happiness that you deserve.