LX

10 0 0
                                    

DECEMBER 15: Tuesday

Before I could close my eyes, I heard him. Yes I'm tired and I'm sleepy but do hearts sleep?

"Jacq." Napatingin ako sa kaniya. "Linya mo na." Sabi niya habang nakaturo sa dapat na sasabihin ko.

"Ah." Napatango ako. "Oo nga pala."

"Antok ka pa ba?" Napatingjn ako sa kaniya. He's tracing the letters on the paper, not looking at me.

"A-ah, s-slight?" Napangiti siya ng bahagya at dahan-dahang napatingin sa'kin.

"Uwi na kaya tayo?" Pagtatanong nito sa'kin kaya naman napatingin ako sa papel na nakalagay sa mesa.

"Mamaya na."

"Akala ko ba antok ka pa?" Napatingin naman agad ako sa kaniya.

"Kaya ko namang magpractice pa eh. Isa pa, malapit na din ang..." Napatigil ako sa pagsasalita at napa-upo sa upuan.

"Malapit na ang deadline natin." Napatingin ako sa kaniya nang marinig ko ang bahagya niyang pagngiti.

"Quin." Napatingin siya sa'kin habang nag-aayos siya ng kaniyang gamit. "Ano nga ulit ang sasabihin mo sa'kin?"

Ngumiti siya. "H'wag mo nalang 'yon isipin. T'yaka, hindi naman 'yon masyadong importante." Sabi nito sa'kin kaya naman napa-yuko ako.

"I finally moved on, Jacq. And I hope she understands."

His voice echoed on my mind.

"May sasabihin din ako sa'yo." Sabi ko sa kaniya. Napatayo ako nang makita kong naglakad na siya papubta sa may pinto.

Lumingon siya sa'kin habang kinukuha ko ang aking bag na nakalagay lang sa tabing upuan. "Oh? Ano?"

"Hindi ko na sasabihin. Hindi naman na din 'yon importante."

Pinanliitan niya ako ng tingin. "Nakakatawa 'yong joke mo."

"Oh, joke ba 'yon?" Nabigla nalang ako nang akbayan niya ako.

"Ang korni mo kahit kailan."

Napa-iling nalang ako at napapikit. "Alisin mo nga 'yang braso mo sa balikat ko." Sabi ko sa kaniya.

Agad naman niya itong inalis. "Ayan, inalis ko na." Sabi niya kaya naman napatingin ako sa kaniya.

Palabas palang kami ng campus at maggagabi na din. Kanina pa kasi kami nando'n sa practice room. Hindi naman kami dapat nando'n kasi dance room 'yon eh, wala naman gumagamit kaya kami nalang.

"Kain muna tayo?" Pagtatanong niya sa'kin. Umiling ako.

"Gabi na, Quin." Huminga siya ng malalim.

"Fine." Sabi nito. "Hatid nalang kita sainyo."

Umiling din ako. "Gabi na nga 'di ba? Kaya dapat ikaw din umuwi na." Napatingin siya sa'kin.

"At kailan ka pa naging concern sa'kin?" Pagtatanong niya sa'kin.

"H-hoy kung ano-ano iniisip mo." Sabi ko sa kaniya at umiwas ng tingin.

Binilisan ko ang aking paglalakad hanggang sa hindi ko na marinig ang footsteps niya. Napalingon ako at nakita ko na kasama niyang maglakad si Kate.

Napakunot ang aking noo. "Hi Jacq!" Sigaw nito.

Hinintay ko silang makalapit sa'kin. "Pauwi palang pala kayo." Sabi nito sa'ming dalawa.

Love SuicideWhere stories live. Discover now