DECEMBER 3: Thursday
Nakatanga na naman ako habang nakatingin sa labas ng bintana. Pinapanuod ang unti-unting papalabas na sikat ng araw.
"Jacq." Mahinang tawag sa'kin ng nasa likuran ko pero hindi ko siya nilingon.
"H-hey, Jacq!" At sa boses na 'yon ako napalingon. Si Justin na nakangiti at nakatingin sa'kin habang kinakaway ang kaniyang kaliwang kamay sa'kin. Ibinaling ko ulit ang aking atensyon sa bintana ng aming classroom at isinara ito. Maaga pa kasi.
Humarap muli ako.
I shot a quick look to the person who called me. His face, disappointed.
I immediately run to Justin and went to the canteen with him.
"So..." Napatingin ako sa kaniya. "Ayos na ba ang paa mo?" Pagtatanong nito sa'kin at napangiti naman ako, genuinely.
Tiningnan ko naman ang aking paa at ginalaw-galaw ito. Napatango ako kahit na hindi nakatingin sa kaniya. "Ayos na ng konti." Mahina kong sabi at ibinalik ang aking paningin sa kaniya.
Uminom siya sa kaniyang inumin. "Buti naman."
Natahimik kami ng sandali pero hindi naman dahil naging akward na. "Bakit hindi mo siya pinansin?" Napatingin ako kay Justin sa kaniyang tanong.
"H-ha?" Napangisi siya sa reaksyon ko.
"Do I really need to repeat what I've asked?" Nakangising sabi nito na halata naman na nananadya naman siya.
Hindi ko nalang siya pinansin at huminga ng malalim.
Kung titingnan mo siya ngayon, ibang-iba siya sa Justin na nakilala ko sa internet cafe. Mas sumeryoso siya ngayon lalo na kahapon.
"Shh." Pagpapatahan niya sa'kin kaya naman napakalas na ako sa kaniya. "Baka mamaya may makakita sa'tin dito tapos akalain nila pinapa-iyak kita."
Napangisi nalang ako habang pinupunasan ang aking luha.
"This is my first ang last time that I'll cry."
"Hindi mo masasabi 'yan Jacq." Nakadiretsong sabi nito matapos na matapos kong sabihin ang salitang 'yon.
Napangisi naman ako. "Nang dahil lang kasi sa sugat, iiyak ako. Ang tanga ko talaga." I said in sarcasm.
Napatingin siya sa'kin base sa peripheral vision ko kaya naman napatingin din ako sa kaniya. "Sa sugat?" Tumawa siya ng bahagya. "Ginagago mo ba 'ko? Tingin mo hindi ko nakita si Ken at Kate do'n?" Natigilan ako at napayuko.
"Tara na." Tumayo ako pero agad naman akong napakapit sa kaniyang balikat.
"Don't you ever cut the conversation because you don't want to be hurt, Jacq." Sabi nito habang nakatingin ng diretso sa'king mata. "Upo. Mag-uusap tayo."
Napalunok ako habang dahan-dahang umupo. Why is it that I'm like this? Shouldn't it be the other way around?
"Mahal mo siya?" Napalundag ang puso ko sa tanong niya.

YOU ARE READING
Love Suicide
Roman pour AdolescentsEscaping your problems through death wasn't the best way to forget all things and forget the happiness that you deserve.