XXV

24 2 0
                                    

NOVEMBER 29: Sunday

Naglalakad sa gitna ng daan at hindi inaalintana ang mga kotseng dumaraan.

Pinili kong maglakad at h'wag isipin ang mga nangyari kagabi at no'ng isang araw.

Unang-una ang pag-uusap namin ni Dave. Iyong desisyon niya... 'Yong pag-alis nila ng bahay kahapon.

Bakit ko nga ba sila pipigilan kung alam ko naman sa sarili ko na aalis lang naman ako at wala naman na silang magagawa kundi ang manatili, 'di ba?

Kapag nawala ako, iiyak lang sila, magdadalamhati, kung gusto nila. Pero... Alam ko, 'di naman sila magiging gano'n kahit kailan dahil lahat ng tao na nakakakilala sa'kin alam nilang wala akong purpose sa mundong 'to. Kasi umalis na sila.

Hindi din ako mapakali kahapon buong araw dahil sa tawag ni Quin sa'kin. Hindi ko naman siya matawagan muli at hindi ko din naman alam kung sa'n siya nakatira kaya hindi ko siya mapuntahan. Wala akong balita sa kaniya, hindi pa siy tumatawag at ako... Ako'y nag-aalala.

Napatigil ako sa paglalakad nang maramdaman ko ang sumusunod sa'kin.

Napahinga ako ng malalim at dahan-dahang hinarap ang kung sino mang pangit na kaluluwa na papalapit sa'kin.

Huminga ako ng malalim nang makita ko si Yumiko na naka sunod sa'kin.

"H-hi, Jacq." Mahina nitong bati sa'kin. Huminga ako ng malalim at ngumiti ng pilit.

Tumalikod nalang ako at hindi siya pinansin. Na tila ba wala akong nakita.

Napalunok ako nang maramdaman ang hawak niya sa'king balikat. Huminga ako ng malalim at hinarap siya.

"Bakit?" Diretso kong tanong sa kaniya. Napapikit siya habang huminga ng malalim.

Dahan-dahang nanlaki ang mga mata ko nang ngumiti siya nang nakakapangilabot.

"It's nice to see you... Again." Tila ba binubulong nalamang niya ang mga salitang iyon pero rinig na rinig ko.

Napapikit ako ng sandali. "Sige." Sabi ko nalang habang papatalikod na sa kaniya at ipinagpatuloy ang paglalakad ko.

Ilang dipa palang ay narinig ko ang pagtawa niya na ikinatigil ko.

Napapikit nalamang ako at napaharap sa kaniya na ikinagulat ko. "T-tita?"

"Oh, hi." Nakakakilabot nitong bati sa'kin habang nakangiti.

Nakahawak siya sa balikat ni Yumiko. "Jacq?" Napatingin ako sa likuran ko at nakita ko si Justin.

Nakita ko din na nagawi ang kaniyang paningin sa dalawang nasa harapan ko--namin ngayon.

Nakita ko ang reaksyon ng kaniyang mukha. Mula sa pagkagulat, napatingin siya sa'kin na tila ba nag-aalala.

Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko't hinarap papunta sa kaniya.

"J-jacq... S-si Ken kasi..."

Ken... Quin or whatever they call my DeathNer, siya pa din 'yon at agad akong kinabahan nang banggitin niya ang aking pangalan.

"A-ano'ng nang... Nangyari k-kay Quin?"

Napayuko siya't tiningnan ang nasa likod namin. Napatingin ako sa kanilang dalawa. Nakangiti na tila ba may alam sa kung ano man ang nangyari sa pinag-uusapan namin ni Justin.

"K-kasi..."

Bago pa siya makapag-salitang muli, may naalala ako.

"N-na-alala ko n-na." Mahinang bulong ko sa'king sarili at inalala ang mga sinabi ni Quin kahapon.

Love SuicideWhere stories live. Discover now