DECEMBER 2: Wednesday
"Hey, Jacq." Napatingin ako't nakita ko si Dave habang inilalagay ang kaniyang biniling canned juice sa'king harapan. Napa-ayos ako ng upo.
Mula sa pagka-pangalumbaba, napa-upo ako ng maayos nang dahil sa gulat. "P-pumasok ka?" Pagtatanong ko.
Nakangiti lang siya habang natatawa-tawang tumatango at binubuksan ang isa pang canned juice na hawak niya. "D-dito?" Pagtatanong ko. At napa-tango na naman siya habang nakangiti na gumugulo sa'kin.
"Bakit? Hindi ba kapani-paniwala?" Pagtatanong nito at uminom ng canned juice na dala niya. Itinuro niya ang canned juice na inilagay niya sa may tapat ko. "Take it." Sabi nito.
"Salamat." Mahina kong sabi habang kinukuha ko 'yon at binuksan.
"Why are you alone?" Pagtatanong nito kaya naman napatigil ako sa pag-inom. Napangiti ako sa tanong niya.
"Hindi ba halata?" I look around. "They don't want to be with me... Then so be it. If they don't want to, should I insist myself to them?" He chuckled but I didn't stop from explaining. "I'm used to it, Dave. And I don't give a damn." I added as I slowly put my arms cross on the table and press my chin against it.
"But what if they want to be with you?" He asked that make me smirk with sarcasm.
"Yung tao nga na gusto kong kasama, galit sa'kin." Mahina kong bulong habang nakatingin sa ibang bagay.
"Ha?" Napatingin ako kay Dave. Nagtataka ang mga tingin nito.
"Ah," pinaglaruan ko ang canned juice na nasa harapan ko habang nakasubsob ako sa mesa ng canteen. "Wala."
Nagka-ro'n ng kaunting katahimikan sa'ming dalawa. Nakatingin ako sa canned juice na paulit-ulit kong tinutulak back and forth gamit ang aking mga daliri.
Napa-upo ako ng maayos at dahan-dahang ininom ang canned juice. "Jacq..."
Why do it feels like... I don't like it whenever he calls my name?
Pinunaasan ko ang baba ng aking ilong at ang aking bibig gamit ang aking kamay. "Hm?" Pagtatanong ko sa kaniya habanng nilulunok ang juice.
"Are you treating me as your brother?"
Hindi ko alam kung ano'ng nangyari pero agad akong nabilaukan. N-ng juice?
"A-are you alright?" Pagtatanong nito na halata sa ekspresyon niya ang pagka-alala nang mabilaukan ako ng... Ng juice nga.
Napatango nalang ako't ininom nalang ang canned juice na dala niya. Lunurin ko nalang kaya ang sarili ko? Sa pag-inom?
"Ah," napatayo ako matapos kong maubos lahat ng laman ng canned juice. "Sige, Dave. Aalis na ako, madali nang mag-time." Mahina kong sabi habang naka-ngiting pilit. Baka mamaya kasi, ano pa'ng itanong niya sa'kin.
Naka-yuko lang siya at nakita ko na tumango siya. Tumalikod na ako't handa nang umalis, iiwanan siyang solong naka-upo do'n nang marinig ko na naman ang kaniyang boses.
"Kaano-ano mo si Ken?"
Dahan-dahan akong napaligon sa kaniya't napa-ngiti ng pilit. "Wala." I said without hesitation.
![](https://img.wattpad.com/cover/111051317-288-k222390.jpg)
YOU ARE READING
Love Suicide
Teen FictionEscaping your problems through death wasn't the best way to forget all things and forget the happiness that you deserve.