XII

31 2 0
                                    

NOVEMBER 16: Monday

Huminga ako ng malalim.

Tumayo ako mula sa pagkaka-upo sa kama at kagigising ko lang and guess what time is it.

"4:32," banggit ko sa oras nang buksan ko ang aking cellphone.

Kinuha ko ang tuwalya na nakasampay sa sampayan ng tuwalya. Huminga ng malalim bago ako pumasok sa banyo.

Pagkalabas na pagkalabas ko ng banyo, narinig ko ang pag-vibrate ng cellphone ko.

Agad ko itong kinuha at sinagot kahit hindi ko tiningnan ang kung sino man ang tumatawag.

["Uh, g-good morning."] Agad na bati ng nasa kabilang linya.

"There's no good at morning." Sabi ko at ibinaba na ang tawag.

Huminga ako ng malalim bago magbihis. Pakatapos kong magbihis, kinuha ko agad ang pera na inilalagay ni Papa sa drawer ko, every night.

Dahan-dahan kong binuksan ang aking bintana at bumaba gamit ang ginawa kong hagdan.

"What are you doing there?"

Agad akong napatigil sa pagbaba nang narinig ang boses na 'yon. Nilingon ko ang parte kung saan ko narinig iyon at nakita ko siya dahilan para bilisan ko ang aking pagbaba.

Nakakunot noo ko siyang hinarap at seryoso ko siyang tiningnan. "Ako dapat ang nagtatanong niyan sa'yo, ah? Bakit ka nandito?"

Inakyat ko din ang gate at tumalon. Ngayon kaharap ko na siya.

Nakangisi siya ngayon. "Bawal ba?" Pagtatanong pa niya.

B-bakit ganito ang nararamdaman ko? Ramdam na ramdam ko ang malakas na pagkabog nitong puso ko.

"A-ano? M-may dumi ba ako sa mukha?" Pagtatanong niya habang nakatingin din sakin. Agad naman akong napa-iwas ng tingin nang hindi namalayan na nakatitig na pala ako sa kaniya. Nakasuot siya ng uniporme na tulad ng uniporme sa'ming eskwelahan.

Inirapan ko siya. Naglakad nalang ako nang para bang wala siya sa likuran ko at siya naman itong sumusunod pa din. Bakit siya naka-uniform ng school namin?

"Uy, Jacq." Tawag niya pa saakin.

Hindi ko siya pinansin at hindi ko din siya nilingon. Wala na akong balak na pansinin siya ngayon at wala na akong balak na kausapin siya ngayon. Wala, nakakatamad.

"Jacq," tawag niya saakin pero hindi pa rin ako lumilingon sakaniya.

Ngumisi ako ng may naisip akong ideya. Pero inalis ko naman agad ang ngisi na iyon.

Hinarap ko siya. "Jacq, sorry na." Sabi niya habang seryoso pa din na nakalagay ang kaniyang kamay sa kaniyang bulsa.

"Leave." Madiin kong sabi sa kaniya.

Nakita ko ang pagkunot ng kaniyang noo. Napatigil kami ng paglalakad sa may tapat ng street light.

"I won't leave." Madiin niyang sabi.

Huminga ako ng malalim. "Okay." Sabi ko nalang habang papatalikod sa kaniya at pinagpatuloy na ang aking paglalakad.

Lumiko ako sa isang eskinita kahit hindi naman dapat. Naririnig ko naman na sumusunod siya.

Hinawakan ko ng mahigpit ang strap ng aking bag at binilisan ko na din ang aking paglalakad.

"Jacq, dahan-dahan naman sa paglalakad." Narinig kong sabi niya.

Love SuicideWhere stories live. Discover now