LIV

16 0 0
                                    

DECEMBER 11: Friday

Nasa taas kami ng rooftop ngayon at hindi ko din alam kung bakit ganito ang aking pakiramdam.

"Let's play a game?" Pangungulit niyang muli sa'kin pero kanina ko pa siya hindi pinapansin. "Oy!"

"Ang ingay mo." Nakapikit kong sabi sa kaniya pero ramdam ko na lumapit siya sa'kin.

"H'wag na nga lang." Napatingin ako sa kaniya at naka-upo siya sa tabi ko. Nakapatong ang kaniyang kamay sa kaniyang tuhod at nakapikit.

"Do we still need to die?"

Nakita ko ang pagkatigil niya sa sinabi ko. Dahan-dahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata at dahan-dahang napatingin sa'kin.

Tahimik kaming pareho paglipas ng ilang minuto hanggang sa nagtanong siya. "D-do you still want to die?"

Napangiti ako sa tanong niya. "Ikaw, ano gusto mo?" Napatingin na ako sa taas na napakadaming bituin. Hinintay ko ang kaniyang sagot ng ilan pang segundo kaya napapikit muna ako.

"Pa'no kapag sinabi ko na... Gusto kita?" Napatingin ako sa kaniya at nakita ko na nakatingin siya sa langit na punong-puno ng mga bituin ngunit napatingin naman siya agad sa'kin. "Aray!"

"B'wisit ka." Bulong ko matapos ko siyang kurutin sa tagiliran.

"Ano ba Jacq? Seryos nga." Tila ba naiinis niyang sabi at do'n nagsimulang manlamig ang kamay at paa ko. Parang may kung ano na ding nangyayari sa sikmura ko--matatae na parang mauutot lang o kaya naman nagugutom.

"S-seryoso ka?"

Tumango siya at tila ba inis na inis siya. "Seryoso akong nagtatanong kung kailangan pa nating mamatay."

Napalunok ako at napa-iwas ng tingin. Akala ko...

"Kailangan ba natin--" napakapa si Quin sa kaniyang bulsa at nakita kong kinuha niya ang kaniyang phone and gestured me to stop from talking.

"Hannah." He mouthed before answering the phone call.

"Tss, whatever." I whispered, rolling my eyes.

"Hello? Hm?" He sigh that's why I stand up and he looked at me. "Wait." Sabi niya sa kausap niya sa pgone at tinakpan niya ang kaniyang phone kung nasa'n ang microphone nito. "Sa'n ka pupunta?"

"Kukuha lang ako ng maiinom." Palusot ko pero ang totoo niyan kasi... Ah, basta. Tumango nalang siya at napapikit ako nang magsimula na ulit siyang maki-usap kay Hannah.

Pababa palang ako ng hagdan, bigla kong naramdaman ang phone ko mula sa'king bulsa na nagba-vibrate. Agad ko naman itong kinuha at sinagot ang tawag ni Lary.

"Hey." I greeted him but seconds pass, there's no voice I've heard from the other line. "Lary?"

Hindi pa din sumasagot ang nasa kabilang linya bagkus ang naririnig ko lamang ay ang paghinga ng taong naro'n hanggang sa makarinig ako ng...

["Nie--"] After that, the person on the other line hung up.

I shake my head. "Weird."

Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng dalawang baso at ng manggo juice. Rinig na rinig ko pa din ang pag-uusap-usap nila Joshua, Justin, Kate at Dave na nasa dining na nagkukulitan. "Uy, Jacq. Bigla-bigla nalang kayong nawala ni Ken ah?" Pagtatanong sa'kin ni Kate.

Tumango lang ako at napangiti habang inilalagay ang pitchel at ang baso sa tray. "Nagpahangin lang, sorry."

"Si Ken?" Pagtatanong naman ni Justin.

Love SuicideWhere stories live. Discover now