LXIX

17 0 0
                                    

DECEMBER 18: Friday

I just looked at him and gulped. Tumayo ako at napatingin sa kaniya. Hindi niya inalis ang kaniyang tingin sa'kin.

Pupunasan ko na sana ang aking luha pero agad niyang kinuha ang dalawa kong kamay.

He unhesitatingly kissed my tears away. He kissed both of my cheeks full of tears. After that, he looked at me and kissed my forehead.

Hindi ko mapigilang hindi umiyak muli.

Damn, I missed him.

Inilayo niya ang kaniyang sarili sa'kin at pinunasan niya ang pisngi kong basa ng luha gamit ang panyo na hawak niya kanina pa.

After he wiped my tears away, he looked at me and smiled at me. "I missed you."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko na siya.

Ramdam ko na natigilan siya pero agad naman niya akong niyakap agad. Humiwalay kami sa yakap.

Sinuntok ko siya sa dibdib niya. "Aray."

Tiningnan ko lang siya at nakahawak siya sa dibdib niya habang nakatingin sa'kin nang nakakunot ang noo.

"Para sa'n 'yon?"

"Dahil miss na kita." Dahan-dahan niyang ibinaba ang kaniyang kamay at lumapit sa'kin. "Bakit ka ba kasi lumayo ha?!  Naduwag ka ba?! Ano?!"

Hindi siya sumagot pero nakatingin lang siya sa'kin. Huminga ako ng malalim at ipinikit ang aking mga mata ng mariin. "Sumagot ka Vega!"

"Jacq."

"Ano? Alam mo, ang baliw mo din." Huminga ako ng malalim at tinulak siya. "Ang duwag-duwag mo."

Wala pa rin siyang ekspresyon sa kaniyang mukha habang nakatingin siya sa'kin. "If you really do love me--"

Hindi na ako nakagalaw nang hawakan niya ang aking baba at inilapit niya ang mukha ko sa mukha niya. Nanlalaki ang aking mga mata habang nakatingin sa kaniyang mga mata na nakapikit.

I felt that he smiled while we're kissing.

"Of course I really love you." He said in a low voice after he kissed me.

Tinulak ko siya palayo kaya natanggal ang kaniyang kamay na nakahawak sa'king bewang.

"Pero lumayo ka." Umiiyak ko pa din na sabi.

"Kasi kung patuloy pa akong lalapit sa'yo baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko na hindi mahulog sa'yo."

"Pero b-bakit--"

"Because you keep on making me fall for you but you keep on making me feel that I don't have any chances and in the end, I'll pity myself and hurt myself for loving you."

Yumuko ako. "Natanong mo na ba ang sagot ko sa sinabi mo?"

"When I confessed to you, it's just me." Huminga siya ng malalim. "I don't need your response because I don't care if you don't love me, all I want is for you to let me, love you."

"Pero--"

"That's love, loving until it hurts." He smiled at me.

"But does it make you satisfied?"

"Satisfaction is defined when you see the one you love, happy."

Tiningnan ko siya at nakangiti lang siya sa'kin. "'Yon lang ba ang gagawin mo sa buhay mo? Ang magmahal ka hanggang masaktan ka? Hanggang sa mamatay ka?"

Love SuicideWhere stories live. Discover now