XVII

18 2 0
                                    

NOVEMBER 24: Tuesday

"Ano ba 'yan. 'Di kasi ganyan." Sita niya saakin at kinuha ang hawak ko.

Huminga siya ng malalim at ipinuwesto ng maayos ang camera sa may mata niya.

Tiningnan ko lang kung pa'no niya gawin at napatigil siya nang mapatingin siya sa'kin.

Ang lapit namin sa isa't isa. Ramdam na ramdam ang paghinga naming dalawa. Napalunok ako. Hindi ako makaalis dahil nakasabit ang strap ng camera sa'kin. Umiwas ako ng tingin at agad na inalis ang pagkakalagay ng strap ng camera sa'king leeg at iniwan siya do'n.

Ngayong araw, wala kaming pasok para gumawa ng project na 'to. Nakakagago naman ang school na napasukan ko. Two days, aaksayahin namin para lang gumawa ng project?

Ang totoo niyan, ayokong siya ang kasama ko dito ngayon. Hindi ko alam kung bakit ako naiinis. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko.

"Jacq!" Narinig kong sigaw niya at halata naman na malayo siya. 'Di ko siya nilingon at dahan-dahan pa ring naglalakad. "Jacq! Jacq! Jacq! Jacq! Jacq!" Paulit-ulit niyang tawag saakin kaya napalingon ako ng wala sa oras.

Hindi ko alam pero ang saya ko pero naiinis ako.

"What?!" Pataas kong sigaw sa kaniya.

Hawak niya ang camera at nakatapat sa may direkyon ko. Nakapikit na din ang kaniyang kanang mata. Hindi ko naman makita ang pag-click, kung ilan na ba dahil wala itong flash.

"Jacq!" Napatingin ako sa kaniya at nakita ko na nakangiti siya. Tinaas din niya ng bahagya ang kaniyang mukha para silipin ako.

"Ano nga?!" Pagsusungit ko sa kaniya.

Nakita ko ang pagngiti niya ng dahan-dahan at napatingin siyang diretso sa mata ko. "Smile, Jacq. Smile."

Hindi ko ginawa ang pinapagawa niya at tumalikod nalang ako. "Uy, Jacq naman eh." Narinig kong sabi niya saakin habang naririnig ko ang mabilis na paghinga niya dahil sa paghahabol niya saakin.

Ngayon napalingon ako sa tabi ko at nakita ko na nasa tabi ko na siya.

"Mahirap maghabol." Narinig kong sabi niya kaya naman napalingon ako.

"Huh?" Pagtatanong ko sa kaniya habang nakakunot ang aking noo na nakatingin pa din sa kaniya.

He put his gaze to his shoes as we walk. He sigh as I look at him as he smile partially.

"It's hard to chase." He said as he slowly shake his head. "Hard to chase when you already know that you can't. Hard to chase when you already know that..." He heaved out a heavy sigh. "You already know from the very start that you can't never be with someone you wan'ed to be with."

Natahimik kami ng sandali at pilit na pinapasok saaking isipan ang mga sinabi niya. Huminga ako ng malalim. "Eh, sino ba kasi ang hinahabol mo?" Pagtatanong ko habang naglalakad pa din kami ng dahan-dahan sa garden na 'to.

"Tsk." Napatingin ako sa kaniya nang marinig ang pagpilantik ng kaniyang dila. "Tingin mo sino ba?" Pagbabalik niya ng tanong.

Love SuicideWhere stories live. Discover now