LXIV

10 0 0
                                    

DECEMBER 16: Wednesday

"One more time!" Huminga ako ng malalim nang sabihin 'yon ni Ma'am Chavez. Napatingin ako sa kaniya pero kahit isang tingin, hindi niya magawang ibigay sa'kin. "Hindi kayo makaka-uwi hangga't hindi niyo ito naayos ngayon!"

Napatango nalang ako. Ilang beses na kaming umulit at may mga nakukuha naman kaming tama pero nasa kalagitnaan palang kami. Natapos na ang aming buong araw nang magkakasama lang dito sa loob ng theater room.

Walang kibuan habang nagla-lunch. Iniwan kami dito ni Ma'am Chavez pero wala pa din. Putcha mamamatay na ako dito sa sobrang tahimik.

Bumalik si Ma'am Chavez ng pasado ala-una ng hapon. Dala niya ang kaniyang kopya ng aming itatanghal. Inulit namin ang aming presentasyon hanggang sa ipatigil muli kami.

"Okay na 'yan na linya n'yo. Parang inayos niyo talaga 'to." Napatingin ako sa itinuro na linya ni Ma'am Chavez at napangiti ako ng bahagya. "This is perfect and how you bring life to this."

Ilang minuto pa at ilang ulit pa, naisipan naman ata ni Ma'am Chavez na ipagpahinga kami. "Bukas naman tayo mag-practice ah? Chemistry na bukas ang kailangan." Nakangiti nitong sabi bago lumabas ng theater room.

Napa-iling ako at napabalik ang aking atensyon sa pag-aayos ng aking mga gamit. Habang nag-aayos, napagtanto ko na nawawala ang kaisa-isahang copy ko ng tula na 'yon.

Nataranta ako habang hinahanap ko 'yon hanggang sa mapatigil ako nang biglang may tumapat sa kay mukha kong papel.

Inayos ko ang aking tayo at napatingin sa kaniya. Akala ko, nakatingin siya sa'kin pero nakatingin lang siya sa papel na inaabot niya sa'kin.

Tiningnan ko ang papel na ibinibigay niya sa'kin. "S-salamat."

Pagkakuha ko ng papel na 'yon, tumalikod na siya habang hawak ang kaniyang cellphone.

Hindi man lang siya nagsalita or kung ano man?

Isinukbit ko ang aking bag sa'king balikat. Parang nawalan na ako ng gana. Nabu-b'wisit ako na naiinis na nakaka-ewan na 'tong nararamdaman ko.

Naglalakad ako ng mag-isa. Huminga ako ng malalim. Napatingin ako sa magkabilang side ko at na-realize ko na wala pala akong kasama.

Ilang araw, ilang linggo at halos isang buwan na din no'ng magkaro'n ako ng kasama umuwi pero ngayon parang wala na.

Bakit ba kasi siya gano'n?

Napatigil ako nang dahil may isang anino ng lalaki ang naka-harang sa'king daraanan. Wala akong gana para mag-angat ng tingin kaya naman umiwas ako at dumiretso na sana ng lakad pero tinawag ako ng isang boses.

"Jacq."

Napa-ikot ako at napatingin sa sapatos niya. Parang kinakatok niya ang sementadong sahig gamit ang kaniyang sapatos.

"Siguro nga pagod na pagod ka na pero kailangan mo pa din na sumama sa'min."

Huminga ako ng malalim. Oo nga pala, kailangan naming mag-meet.

"H-hindi ba talaga p'wedeng bukas nalang?" Hindi pa din ako nag-aangat ng tingin pero alam ko naman na si Lary ang kausap ko.

"Bukas? P'wede sana pero hindi naman bukas ang birthday ni Miss Deep."

Napaangat ako ng aking tingin. "Birthday ngayon ni Miss Deep?" Napangiti siya habang diretso ang kaniyang tingin.

"Uh-huh." Tumango ito at napatingin sa'kin.

Love SuicideWhere stories live. Discover now