XLVII

22 1 0
                                    

DECEMBER 6: Sunday

Nakapangalumbababa ako habang nakatingin lamang kay Quin na nakatulala lamang sa labas.

"Quin." Tawag ko sa kaniya. Hindi siya tumingin sa'kin kaya naman tinawag ko ulit siya. "Quin."

"Oh?" Pagtatanong niya pero hindi man lang siya lumingon sa'kin. Huminga ako ng malalim at napapikit.

"Quin."

"Ano nga?" Pagtatanong niya kaya napamulat ako ng aking mata. Akala ko'y nakatingin na siya sa'kin pero tulala pa din siya.

"Ken?" Tumingin siya sa'kin nang may pagtataka sa kaniyang mukha.

"What's with you?" He asked.

"Ikaw?" Pagtatanong ko pabalik sa kaniya. Kumunot ang kaniyang noo sa tanong ko.

"Jacq." Tawag niya sa pangalan ko kaya naman napangiti ako sa kaniya ng nakakaloko. "You act so weird." He said.

I smirked playfully and lean on the table. "Quin."

"Jacq, alam kong gusto mo pangalan ko." Sabi nito sa'kin kaya naman napataas ang aking kilay sa'king narinig.

"Nakaka-alien pala 'yong pangalan mo eh 'no?" Umiling siya sa sinabi ko habang nakangiti.

"Gustong-gusto mo naman bigkas-bigkasin." Mapanukso nitong sabi. I roll my eyes. Kung hindi lang sini-serve 'yong pagkain, binato ko na siya ng tissue eh.

"Kasi ang weird."

"Bakit? Gusto mo ba pangalan ko?"

Umiling ako habang kumakain. "Ayoko, ang pangit pakinggan." Sabi ko kahit... Oo na, maganda naman talagang pakinggan.

"Tss." Pagbabaliwala niya sa'king sinabi. Kumain lang kami nang kumain hanggang sa maubos na namin ang pagkain na nakalatag sa harapan namin. "Brp."

Huminga ako ng malalim at napatingin sa kaniya habang umiinom ng tubig. "Manners, Quin Vega." Madiin kong sabi sa kaniya.

"Tss, 'ala na 'kong pakialam do'n, Jacq Nav." Umiiling niyang sabi habang dini-de-quatro ang p'westo ng kaniyang paa.

"Hindi ka ba tinuruan ng Good--"

"Hindi eh." Umiling siya. "Didn't you find it cute, Jacq?"

Natawa ako ng bahagya sa kaniyang sinabi. "Loko ka ba? Ano'ng cute do'n?"

He boastfully shake his head. "Ako." He said. Tss, I shake my head and heavily sigh.

"Tara na, gabi na oh."

"Iniiba mo lang usapan eh." Sabi nito habang sinasabayan ako sa pagtayo.

"Gabi na naman talaga ah?" Pagtatanong ko habang papalabas kami ng restaurant na 'yon.

"Anyway, bukas, practice tayo, ha?" Napatingin ako sa kaniya.

"Huh? Practice para sa'n?" Nagtataka kong tanong. May pa-practice-in ba kami?

Love SuicideWhere stories live. Discover now