XVI

27 2 0
                                    

NOVEMBER 23: Monday

Ilang araw na ang nakalipas at inaalala ko ang lahat-lahat mula sa simula.

Ilang araw na din ang lumipas nang simulan kong takasan si Quin. Ilang araw ko na siyang hindi nakaka-usap. Ilang araw na din na tinitingnan ko lang siya mula sa malayo dahil hanggang ngayon, kailangan kong mapanatili na okay lang siya. Pang-limang araw na.

"Josh!" Agad naman akong napalingon dahil sa pangalan na ginamit.

Nakita ko si Joshua na nakatayo sa likod ko at nakatingin saakin habang nililingon ang tumawag sa kaniya. "Oh, bakit?" Pagtatanong niya.

"Ipinabibigay ni Kate." Sabi ng lalaking kausap niya at nakita ko na mayro'ng inabot yung lalaki kay Joshua.

Isang maliit na box. "Salamat, p're. Pasabi na din, salamat." Sabi pa ni Josh.

Huminga muna ako ng malalim at ipinagpatuloy ang paglalakad. "Uy, Jacq!" Narinig kong tawag niya saakin mula saaking likuran at maya-maya pa'y katabi ko na siya.

"Uy." Sabi ko nalang din at itinago ang aking totoong nararamdaman sa pagngiti.

"Sabay na tayo pumasok?" He asked. Napatango nalang ako at napangiti ng pilit. Napatingin naman ako sa box na dala niya. "Ah, itong box?" Napatingin ako sa kaniya at nagtaka sa sinabi niya. He chuckled. "Bigay 'to sa'kin ng manliligaw ko." He said between his chuckles.

Napatango-tango nalang ako. "Ahh."


Lakas ng confidence niya. Tsk.

"Box of cookies. Gusto mo?" Pagtatanong niya at napatingin nalang ako sa kaniya at iniwas ang tingin ulit.

Huminga ako ng malalim. "Ayoko, sa'yo 'yan binigay eh." I said almost whispering.

I heard him chuckle causing me to look at him. "What?" I asked.

"Nothing, I just find you... ah, like my crush." Sabi niya ng mahina.

"Tss. No one even cared." I said.

Nang makatapat na kami ng pinto ng classroom, napasilip muna ako sa bintana at nakita ko na wala pang tao kaya naman napaharap ako kay Josh.

"A-ah." Agad siyang napa-iwas ng tingin habang ako, tinitingnan ko lang siya sa mata.

"Jacq Nav!" Agad akong napatingin sa kanan at nakita ang lalaking nakatingin ng walang emosyon. Napalunok ako sa nakita ko. Hindi ko dapat siya makita sa ganito. "Come with me."

"And why would I do that?" I asked monotonously, trying to keep some emotions.

"Because you have to." He answered plainly.

"Kilala mo siya, Jacq?" Pagtatanong ni Joshua saakin kaya napatingin ako sa kaniya.

"Don't mind him. Tara." I said as I walk out of their sight. Dumiretso ako sa library at napatingin sa orasan. "6:13," banggit ko sa oras at dumiretso na sa dati kong pwesto. Ipinikit ko ang aking mga mata at huminga ng malalim.

Love SuicideWhere stories live. Discover now