DECEMBER 15: Tuesday
Hindi na naman ako makatulog ng maayos. Lumabas ako para magpahangin at nagbabakasakaling makalanghap ng hangin na magpapatulog sa'kin.
"Sino ba iniisip mo?"
Napalingon ako sa taong nagsalita. Do'n ko nakita si Dave na nakatayo at mayro'ng hawak na tasa.
"Ba't gising ka pa?" Pagtatanong ko pabalik sa kaniya na hindi naman niya sinagot agad.
Tumabi siya sa'kin at napatingin sa'king tinitingnan. "Ang ganda kasi ng mga bituin. Hindi ko magawang hindi makita 'to." Sabi naman niya kaya naman napatingin ako do'n.
Huminga ako ng malalim. "Bakit kaya sila patuloy na lumiliwanag?" Napatingin ako kay Dave nang marinig ko ang pagtawa niya ng bahagya.
"Ikaw, ano ba sa tingin mo?" Pagtatanong nito.
Nagkibit-balikat ako at humarap sa pinto papunta sa terrace namin. "Ewan ko din. Hindi ako nakikinig sa lecture." Natawa siya ng tuluyan.
"Matulog ka na."
"Bakit pa ba kailangang matulog kung kinabukasan, magigising ka lang naman?" O bakit nga ba kailangan pang mabuhay kung sa huli, mamamatay ka lang naman?
Huminga ako ng malalim sa katanungan kong 'yon.
"Kasi ikaw, masyado kang maraming iniisip." Napatingin ako sa kaniya habang sumisipsip siya ng mainit na tubig. "Matulog ka na. May pasok pa tayo mamaya." Tumango nalang ako sa kaniyang sinabi.
"Mauna ka na muna," sabi ko sa kaniya. Napatango naman siya at itinuro ang pinto palabas ng terrace namin kaya naman napatango nalang ako. "Sleep well." Bulong ko.
Nakita ko ang paglingon niya sa'kin at napatango siya.
Napaharap muli ako sa mga bituin. Huling sulyap bago ako pumasok sa k'warto ko. Huminga ako ng malalim habang nakatingin sa cellphone ko na naka-flash ang numero niya.
"You just don't know how you drive me crazy, Vega. You damn fool."
["Ha?"] Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang kaniyang boses.
Inilapit ko ang aking cellphone sa'king tenga. "A-ah, Q-quin?"
I heard a chuckle on the other line. ["You're still up?"] Pagtatanong nito.
Shit, bakit ko napindot 'yong call button?
"Uhm." I cleared my throat. "Y-yeah. Obviously?"
["Ba't gising ka pa?"]
Napapikit ako at nag-iisip ng kung ano man ang p'wedeng irason kung bakit. Pero bakit nga ba? Oh, shit.
"A-ah k-kasi..." Napapikit ako ng mariin. "Kasi nag-me-memorize ako ng mga ime-memorize natin."
If I could just jump and punch the air, I would. But I can't.
["Ah."] Rinig kong sabi nito mula sa kabilang linya at nakikita ko siyang tumatango-tango.
Huminga ako ng malalim nang biglang natahimik ang linya naming dalawa. "Ahm, Quin--"
["Jacq."]
Napatigil kami at napatawa ng bahagya dahil sa kabaliwan namin. Sabay kaming dalawang nagsalita.
"Ikaw na nga mauna." Sabi ko sa kaniya.
["Hindi, ikaw na."]
I roll my eyss and sigh in defeat. "Bakit ba kasi gising ka pa?" Pagtatanong ko.
YOU ARE READING
Love Suicide
Genç KurguEscaping your problems through death wasn't the best way to forget all things and forget the happiness that you deserve.