NOVEMBER 18: Wednesday
Naglalakad ako ngayon papunta ng eskwela at nakatulala habang nakahawak ako sa strap ng aking bag.
Huminga ako ng malalim at umiling-iling sapagkat ako na naman ay nakatulala.
"He knew everything."
Bakit ganito na naman? Simula nang sabihin saakin ang linyang 'yan, hindi na maalis-alis sa utak ko ang sinabi niyang iyan.
Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin dahil...
"He knew everything."
Magtatanong pa sana ako nang bigla siyang tumayo at kinuha ang kaniyang phone mula sa bulsa niya at umupo muli. Tiningnan niya muna ako bago inilagay ang kaniyang phone sa may tainga niya.
Again, for the nth time of the start of this morning, I sigh.
This will be tough, Jacq. But I know to myself that I can do it.
Agad naman akong nakapasok sa campus kahit na sobrang aga pa. Dumiretso naman agad ako sa may canteen at do'n tumambay at kumain ng breakfast.
Hindi ko alam na dito din pala siya pumapasok. Hindi ko man lang napapansin na ang taong kasama ko ng ilang araw, pareho lang na eskwelahan ang aming pinapasukan pero... Ngayon ko lang talaga siya nakita.
"Oh, hija, ang aga mo naman." Bati saakin ng isang janitor na nakangiti pa.
Agad naman akong napangiti ng bahagya. "Kailangan lang po."
"Mabuti't mabait kang anak." Sabi niya saakin dahilan para mapatigil ako sa pagkain. "Sige na't marami pa akong gagawin." Sabi niya at tuluyan nang umalis habang ako'y iniwan niyang nakatulala.
"Napakas'werte namin na mayro'n kaming anak na kagagya mo." Sabi ni Mama habang ginugulo-gulo pa ang aking buhok.
"Sus, h'wag na d'yan. Abuso eh." Sabat naman ni Kuya dahilan para mapatingin naman ako sa kaniya at nakita ko na nagpipigil siya ng tawa.
"Eh? Kuya hanggang dito lang naman 'yung usapan namin ni Mama, bakit nakikisali ka?" Sabi ko ng seryoso habang parang ginuguhitan ng pader ang pagitan namin ni Kuya at Mama.
"Tama na nga kayong dalawa, paparating na ang Papa niyo, maghanda na kayo ah?" Agad naman akong napangiti.
Hindi ko akalain na nakakangiti pala ako noon nang dahil sa ga simpleng bagay, ngayon, kakaunti nalang ang nakikita kong totoong masaya.
Kakaunti na lamang ang nakikita kong totoong masaya na totoong nagpapangiti saakin.
"Sabi na nga ba't nandito ka na ng ganito kaaga." Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Dave na papalapit sa saakin table.
"Wala kang pakialam." Mahina kong sabi.
"I do care about you because I really like you."
I look at him irritately. "You're really straight forward, huh?" He smirked.
"Of course." He said confidently.
"Conceited." I said to him and walk away.
"Wait, Jacq." Sabi niya mula saaking likuran at hinigit ang aking braso.
"You should stop liking me." I said with an emphasis.
"Why would I?" He asked still smiling like an idiot.
YOU ARE READING
Love Suicide
Teen FictionEscaping your problems through death wasn't the best way to forget all things and forget the happiness that you deserve.