LXVIII

23 0 0
                                    

DECEMBER 18: Friday

I've finally decided. Hindi na ako papasok para hindi na ako masaktan.

"Ate Jacq!" Napalingon ako kay Triex nang tawagin niya ako mula sa likuran.

Nakakapagtaka na ang init-init ng panahon ngayon kaya naman nagyayaya siyang lumabas.

"Yes baby?"

"Sige na Ate Jacq, please?"

Napahinga ako ng malalim at napatingin sa kaniya. Pumantay ako sa height niya at napangiti sa kaniya. "Madami pa akong gagawin eh."

Lumungkot ang kaniyang mukha pero agad naman 'yong napalitan ng ngiti. "I'll help you nalang po Ate Jacq."

Huminga ako ng malalim. "Uhm," suminghot ako. Bakit ang hirap humanap ng maayos na pang-alibi?

"Pagod pa 'yan si Ate Jacq, Tri. H'wag mo muna siyang intindihin." Napahinga ako ng malalim nang marinig ko ang pagsalita ni Dave. Hindi ko na siya nilingon at tumayo nalang ako.

Tumingin na ako sa kaniya at napangiti ng bahagya. Napatingin ako kay Triex at nakatingala lamang siya sa'kin.

"Is it true Ate Jacq?"

"That's true Triex. Malay mo paos pa si Ate Jacq kasisigaw kagabi at sa kaiiyak."

A gasp escaped from her and she even cover her mouth by her cute little hands.

Ano naman kaya ang naisip ng batang 'to?

"Bakit po? Ano po ang ginawa niyo kagabi?" Napalunok ako sa kaniyang sinabi.

"Ah kasi--ano..."

"Magkasama po kayo sa iisang k'warto Kuya Dave? Ate Jacq?"

"What the--" huminga ng malalim si Dave at nag-squat ng kaunti para makapantay si Triex. "Tri, magkakasama tayo nila Mama kagabi hindi ba?"

"But you go out 'di ba Kuya?"

Suddenly, Dave went silent and looked at me. "Uh, kasi umihi ako."

"Ow, okie." Sabi nito at ibinalik niya sa'kin ang tingin niya. "Ate Jacq! Sa susunod nalang po tayo umalis, pahinga ka na muna. After the mass sa Sunday, labas tayo! Punta tayo mall!"

Napangiti ako sa kaniya ng pilit at naptango. Pagkatapos no'n, tumakbo na siya palayo at tumayo naman si Dave mula sa pagkaka-squat niya.

Itinuloy ko ang pagdidilig ko ng halaman sa garden nang hindi siya iniintindi. Rinig ko ang paghinga niya ng malalim mula sa'king likuran.

"Ano ba kasing nangyari sa'yo kagabi?" Napatigil ako sa pagdidilig nang bigla siyang magtanong ng gano'n.

Huminga ako ng malalim at napatingin sa kaniya habang may pilit na ngiti sa'king labi.

"Nanunood ako kagabi ng movie, Dave. H'wag kang ano." Natatawa kong sabi sa kaniya pero napatigil naman agad ako nang nanatiling seryoso ang kaniyang itsura.

"Tell me, why?"

"Uhm." Umiwas ako ng tingin at napahinga ng malalim habang ibinabalik ang aking atensyon sa pagdidilig ng mga halaman. "What truth do you wanna hear?"

"The truth Jacq." Naramdaman ko na lumapit siya ng ilang hakbang sa'kin. "Kung bakit panay ang sigaw at ang pag-iyak mo kagabi."

"I said I'm watching a movie."

Love SuicideWhere stories live. Discover now