NOVEMBER 15: Sunday
Lumipas na ang ilang oras. Hindi pa din nagbubukas ang mall kaya naman naghihintay kami ngayon sa labas ng mall sa may mga tables.
"Nababagot na ako." Sabi ko habang nakapangalumbaba. "Mauna na ako." Sabi ko at akmang tatayo na sana nang hinawakan niya ang braso ko.
Napatingin nalang ako sa kaniya. Nakalagay lang ang kaniyang ulo sa mesa at ang kaliwang bahagi lang nito ang nakadikit do'n. "Stay." He said.
"Tsk." Agad naman akong napa-upo. Tiningnan ko kung ano'ng oras na. 8:53 a.m.
Ang layo pala ng b'yahe mula do'n sa park papunta dito. Tsk. Nakakainis naman. "Seven minutes." He said. Sticking his left part of his head on the table. Hindi ko nalang siya pinansin at tumayo ako. "Jacq, seven minutes." Pag-uulit niya sa sinabi niya.
"Tss. Ang O.A. mo. D'yan lang ako." Sabi ko habang nakaturo sa may entrance ng mall na may nakatayong g'wardiya. Napa-iling-iling nalang ako.
"Sama na ako." Sabi niya at papatayo na.
"Bahala ka." Sabi ko nalang at dumiretso nalang sa paglalakad papunta do'n.
"Manong, ano'ng oras magbubukas?" Pagtatanong ko.
"Five minutes pa po Ma'am." Sabi nito saakin.
Napatango nalang ako. "Salamat po." Sabi ko nalang.
Napatalikod naman ako sa g'wardiya at napa-upo nalang sa hagdan na limang hakbang lang papasok ng mall.
"Ken?" Agad naman akong napatingin sa lalaking nagsalita.
Nakaharap siya ngayon kay Quin at mukhang gulat na gulat naman si Quin. "Bro!" Sabi ng lalaki at nagulat ako kung sino ang lalaking iyon.
Tss, "Justin?" Nagtatakang tanong ni Quin sa lalaking niyayakap na siya.
T-teka, bakit Ken?
Nang napaharap ang lalaking kayakap ni Quin, nagulat ako sa nakita ko.
"B-boss?" Gulat na gulat niyang tanong nang mapatingin siya saakin.
Napaharap naman ako sa kanilang dalawa nang maaayos then I force a smile at inalis ko naman agad iyon sa aking mukha. "Tsk." I whispered.
"Ken, magkakilala kayo?" Nagtatakang tanong ng lalaking iyon sa kasama kong lalaki.
Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong napalunok. "Yes." Confident na sagot ni Quin.
I roll my eyes and went closer to them. Nakita ko ang pagbitaw ng lalaking 'yon kay Quin na ang pangalan ay Justin.
At tama nga ako, siya ang lalaking nagbabantay sa Internet Cafe.
"Kilala mo siya, Justin?" Nagtatakang tanong ni Quin.
Tumango ang si Justin. "Madalas siyang nasa Internet Cafe namin, bro." Sabi nito.
Nanlaki ang mga mata ni Quin. May problema ba siya? Tss. 'Ala akong paki.
"S-sa Internet Cafe niyo?" Ulit niyang tanong. Tumango na lamang si Justin.
Tss. Who would have thought that Justin and Quin were friends, huh? Small world.
Huminga ng malalim si Quin. "Bakit ano'ng problema, Ken--"
"Wala naman." Sabi ni Quin habang halatang nakapilit ang pagngiti nito. Pumunta siya malapit saakin. "Bakit 'boss' ang tawag niya sa'yo?" Nagtatakang tanong ng lalaking ito saakin.

YOU ARE READING
Love Suicide
Teen FictionEscaping your problems through death wasn't the best way to forget all things and forget the happiness that you deserve.