NOVEMBER 28: Saturday
"Don't worry. I'm okay with my situation." Pagpapaliwanag ko sa kaniya. Huminga ako ng malalim at tinalikuran na siya.
"Buo na desisyon namin, Jacq." Napatigil ako sa sinabi niya at napa-pikit nalang ng mata. Dumiretso nalang ako sa k'warto ko.
Tama naman ata ang ginawa ko 'di ba? Na hindi naman talaga nila kailangan na umalis. Kasi nagdesisyon na ako sa simula pa lang. Huminga ako ng malalim. Pero hindi nagpa-awat si Dave. Pinunasan ko ang aking luha at tiningnan kung ano ang oras na.
Mag-a-alas sinko na ng umaga. Gustuhin ko mang pigilan silang umalis pero hindi ko naman na ata magagawa. "Wala nang makakapigil sa taong desidido." Nakapikit kong sabi.
Huminga ako ng malalim. Napatingin ulit ako sa orasan at napa-hinga na naman ng malalim. Mamaya, wala na sila dito. Kung tutuusin, wala na akong problema. Wala na akong pagtataguan pa. Hindi na ako lalabas sa bintana ko. Wala na, wala nang problema pero bakit gano'n?
"Awe Jacq!" Naririnig kong sigaw ng batang babae habang umiiyak galing sa baba.
Napabuhat ako. Mula sa pagkakahiga, agad akong nakarating sa may bintana at hinawi ng bahagya ang aking kurtina. Nakita ko na nakayakap ang bata sa pole at nakatingin sa taas--sa bintana ng k'warto ko at punong-puno ng luha ang kaniyang mga mata. Tila ba ilog na ito ng luha.
"Shh." Pagsisita ko sa kaniya nang bahagyang napatingin siya sa'kin pero patuloy pa din siya sa pag-iyak. Napapikit ako at napalayo sa bintana.
Umupo ako at napatingin sa phone ko na nakalapag sa mesa na katabi mg aking kama. Dali-dali ko itong kinuha at dinial ang kanitang number.
"Pa." Tawag ko nang sinagot niya ang aking tawag.
["Yes, anak. Bakit?"] Tila ba ang sigla niyang tanong sa'kin. Huminga muna ako ng malalim bago sabihin sakaniya.
"Please go home. Explain yourself to me for they're leaving." Sabi ko nalang habang nakapikit ang aking mga mata.
Ibinaba ko ang aking tawag. Nasa trabaho pa si Pa, o kaya naman natutulog sa boarding house kapag hindi na niya kaya na umuwi dahil sa sobrang pagkapagod.
Napahinga ako ng mas malalim nang mas lumakas ang pag-iyak ni Triex mula sa baba. Sinilip kong muli siya at nakita ko na nakatingin pa din siya sa gawi ko at naka-upo na at halos mahimatay na sa pag-iyak.
Napalunok ako at napatakbo pababa ng bahay. "Hi, Ate Jacq." Halos mapatalon ako sa gulat sa batang lalaki na biglang sumulpot sa may gilid ko.
"U-uh," tila ba umupo ako para lang makapantay ko siya. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at niyakap.
"A-ate Jacq?" He called. Humiwalay ako sa pagyakap ko sa kaniya at sinabing, "Tell your Mom, not to leave." I said smiling.
Napatango naman siya at tumakbo. Huminga ako ng malalim at tumayo. Agad akong pumunta sa baba kung saan naririnig ko pa din ang kaniyang pag-iyak.
Nang makita ko na siya sa may garahe, agad ko siyang tinawag. "T-triex."
Hindi ko pa nga nabubuo ang pagtawag sa kaniyang pangalan pero agad siyang napalingon sa'kin at dali-dali siyang tumakbo at niyakap ako.
"Awe Jacq." Tawag niya sa pangalan ko habang mahigpit na hindi kumakawala sa'king baiwang. "Ayaw ko." Paulit-ulit niyang sabi habang umiiling-iling at patuloy na paghagulgol sa pag-iyak habang yakap-yakap ako.
YOU ARE READING
Love Suicide
Teen FictionEscaping your problems through death wasn't the best way to forget all things and forget the happiness that you deserve.