NOVEMBER 26: Thursday
Naglalakad ako ngayon habang iniisip ang mga bagay na hindi ko naman kailangan talagang isipin.
Napatigil ako sa paglalakad at napahinga ng malalim. Kinuha ko ang phone ko sa aking bulsa.
Nakita ko na may tumawag. Hindi masyasong pamilyar ang numero na ito kaya hindi ko nalang pinansin. Nagpatuloy ako sa paglalakad nang bigla kong naramdaman ang pag-vibrate nito. Napatingin ako sa screen at nakita ko na may natanggap akong message.
Unknown:
Hello, Jacq. This is Dave. Please go home as soon as you read this message.Agad akong kinabahan nang mabasa ko ang message ni Dave. Lakad-takbo na ang aking ginawa para lang makadating agad ng bahay.
Naghihingalo akong napabukas ng gate ng bahay namin. "Shit." Napamura ako nang na-realize ko ang aking ginawa.
"Awe Jacq!" Napatingin ako sa batang papalapit sa'kin. Napayakap siya sa'kin kahit na hanggang baiwang lang ang naabot niya.
Napatingala siya sa'kin at kitang-kita ko na namumula at medyo namamaga nitong mata. "Uh..." Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin.
"Kanina pa siya umiiyak dahil hindi ka nakikita." Napatingin ako kay Dave na papalapit sa'min. "Kanina ka pa din niya hinihintay."
×××
Napahinga ako ng malalim. Napatingin na din ako sa batang babae na nakahiga sa kama. Papatayo na sana ako nang maramdaman ang nakahawak na kamay niya sa laylayan ng aking damit.
Huminga ako ng malalim. Dahan-dahan kong inalis ang pagkakahawak niya sa damit ko. Dahan-dahan na din akong napalabas ng k'warto.
"Pasensya na sa abala." Nagulat ako at napatingin sa aking kanan at nakita ko si Tita Zen. Nakangiti siya ngayon sa'king harapan. "Pagpasensyahan mo na si Triex. Kanina pa kasi niya kami kinukulit na puntahan ka. Kanina pa din siya umiiyak." Sabi niya sa'kin na nagpatingin lang sa ibaba.
"Uh," hindi ko alam ang aking sasabihin. Mali ako. Maling-mali.
Nagulat nalang ako nang tapikin niya ako sa balikat. "Sige na, Jacq. Magpahinga ka na." Napatingin ako sa kaniya, nakangiti pa din siya.
"S-sa--"
"Shh." Sabi niya habang nakalagay ang kaniyang daliri sa kaniyang bibig.
Napatungo nalang ako at naglakad papunta sa k'warto ko.
Napatulala ako. Ano'ng gagawin ko? Dahan-dahan akong umupo sa'king kama at ibinaba ang aking dalang bag.
Napapunas nalang ako ng luha ko nang maramdaman ko ito. Mali nga talaga ako. Sobrang mali.
Napapikit ako.
"Hey," napatingin ako sa lalaking humabol sa'kin hanggang sa may hagdan papunta sa k'warto ko. "I-I'm Dave." He said, extending his arms on me.
I look at his hands. Huminga ako ng malalim at napatalikod at naglakad papunta sa k'warto ko.
Maya-maya pa'y narinig ko ang pagkatok sa'king pinto.
YOU ARE READING
Love Suicide
Fiksi RemajaEscaping your problems through death wasn't the best way to forget all things and forget the happiness that you deserve.