XXXIX

10 0 0
                                    

DECEMBER 4: Friday

"Boss!"

Bakit ba lagi siyang sumisigaw?

"Napunta ka dito?" Pagtatanong niya. Napa-iling nalang ako nang akbayan niya ako.

"May itatanong lang." Napatango-tango nalang siya at inalis ang kaniyang pagkaka-akbay sa'kin.

"Sige boss." Napatayo siya ng maayos sa kaniyang pwesto at seryosong nagtanong. "Ilang oras ba?" Pagtatanong niya.

"Sa'yo."

Napatigil siya. "Ha?"

×××

"Alam mo," humarap siya sa'kin. "Ang gulo mong kausap, boss."

"Eh, hindi naman na ako magco-computer." I lazily said. Nandito kami ngayon sa may seaside malapit sa internet café.

"Ahm," uminom siya sa kaniyang inumin. "Ano ba itatanong mo? Tungkol kanino?"

Napahinga ako ng malalim. "Kay--"

"Ken?"

Napayuko ako. He chuckled that's why I look at him. "Ano ba nangyayari sa'yo Jacq? Hindi ka naman ganiyan ah?" Pagtatanong niya.

Ano nga bang nangyayari sa'kin?

"Tingnan mo 'yon." Napatingin ako sa itinuro niya.

"That girl is so cold to whoever she meets." Napatingin ako kay Justin. "Tapos 'yon naman na lalaking kaharap niya..."

Iginawi niya ang kaniyang hintuturo sa lalaking kaharap ng babaeng kumakain. "Katrabaho niya."

"So?"

He looked at me. "Wala lang. Pareho pa din naman sila."

"Loko." Sabi ko sa kaniya at hinampas ko siya. "Wala naman palang pinagbago binida mo pa sa'kin." Natatawa-tawa kong sabi sa kaniya.

Natawa din siya sa kaniyang sarili. "Meron." Napatigil ako sa pagtawa nang seryoso niya 'yong sabihin.

Napatingin ako sa mga ilaw na nagre-reflect sa dagat na kaharap namin ngayon. "They both fell in love with each other." Natigilan ako sa sinabi niya.

"S-sigurado ka?" Napatingin siya sa'kin.

"Oo naman."

"Pa'no mo nasabi?"

He chuckled. "Ate ko siya."

"Ha?" Nagulantang kong tanong sa kaniya.

Baliktad sila?

"Kaya... Ako, ayoko maging katulad ni Ate na sobrang cold."

"Bakit naman?" Pagtatanong ko.

"Baka isa lang din ang maging kasintahan ko."

Sinuntok ko siya ng pabiro sa kaniyang braso. "Ulol." Natatawa kong sabi sa kaniya. "Balak mo pang maging bad boy ah?"

Love SuicideWhere stories live. Discover now