NOVEMBER 12: Thursday
"Jacq---"
"Pa!" Tumigil siya sa pagsasalita nya at tumahimik. "Pa'no mo nalaman na nando'n ako?!"
Napa-upo ako at na-realize ang ginawa ko. Nasigawan ko siya. I close my eyes while massaging my temple.
Dahan-dahan akong umupo sa gilid ng kama ko. "S-sorry, Pa."
"It's okay. Naiintindihan naman kita."
Tumingin naman ulit ako sa kan'ya.
"Sorry, Pa. Pero hindi ko po talaga kaya ang ipapagawa n'yo saakin." Sabi ko sa kan'ya habang s'ya pa rin ay nakatayo.
Ilang beses na kami nagtatalo ni Papa. Simula no'ng isigaw n'ya ang pangalan ko sa internet cafe na 'yon kahapon, hanggang ngayong umaga.
Hindi ko alam kung bakit ba siya umuwi. Baka umuwi lang s'ya para pilitin akong sumama sa kan'ya.
Ayoko naman.
"B-bakit?" Tanong niya sa'kin dahilan para mapatingin ako sa kan'ya.
Kasi may ka-kontrata ako.
"Malaki na ako, Pa. Kailangan ko lang naman eh 'yong mapatunayan ko sainyo na kaya ko na." Sabi ko sa kan'ya.
Huminga siya ng malalim, tumayo at ipinatong ang kaniyang kamay sa'king ulo. "Ikaw ang bahala."
Lumabas na sya ng kwarto ko. Hindi ako papayag na umalis ako dito sa bahay na para sa'min lang. Tapos ano? Kapag umalis kami dito 'yong mga 'yon ang papatirahin niya dito sa bahay namin?
Nakakabwisit ng umaga. Umiling ako't tumayo na ako para mag-ayos para pumasok ng eskwela.
×××
"Jacq."
Agad naman akong napatingin sa likuran ko at hindi na nagulat kung sino ang nakikita ko.
Tinawagan ko s'ya para pumunta dito. Sabi ko sakaniya, magkita kami pagkatapos ng klase namin.
Nakita ko naman na umupo siya sa harap ko.
"Miss mo 'ko?"
I look at him lazily. Conceited.
Uminom na lang ako sa frappé na in-order ko nang hindi nakatingin sa kan'ya.
"Why?" Napatingin ako sa kanya nang magtanong siya. Kumunot ang noo ko sa tinanong n'yang 'yon. He smiled and suddenly chuckle. "Why do you want to die?" Mahinahong tanong niya saakin.
Napangalumbaba naman ako sa mesa. And this time, he's the one to take a sip on what I've ordered for him.
"None of your business." Madiin kong sabi sa kaniya.
He chuckled again, smoothly. "Jacq, we're partners here. What's the use of--"
"Yeah." I nod. "What's really the use of knowing about each other's reason if we're about to die? Then what? We're still minding each others' reason why we wanted to die?" He's still smiling. And for another one, he chuckle quietly.
"Hindi ko talaga alam kung bakit ka ganyan mag-isip, Jacq Nav." Napailing na lamang ako nang sabihin niya 'yon. He also put emphasis in saying my name. "You call me. That's why I came--immediately. Because you needed m--"
"I have to tell you something." He exhaled heavily with my statement.
"Okay. Just tell me." He said like he's in vain talking to me.

YOU ARE READING
Love Suicide
Teen FictionEscaping your problems through death wasn't the best way to forget all things and forget the happiness that you deserve.