NOVEMBER 29: Sunday
"Gago ka kasi." Bulong ko sa'king sarili pero sana, narinig niya.
"Gago?" Pagtatanong niya habang hindi nakatingin sa'kin at busy sa pag-upo niya sa hospital bed.
Tiningnan ko lang siya. "Oo, buti naman narinig mo." Mahina kong sabi.
"Eh kung tulungan mo kaya ako?" Pagrereklamo niya.
"Bakit naman kita tutulungan? Katangahan at kagaguhan mo 'yan." Napatingin ako ng sandali sa nurse na nakatambay sa may sofa sa likod namin.
"Tss." He just replied. I just shook my head while still looking at him, suffering and still trying to sit from being laid on the hospital bed.
I look at the other person inside this room. I roll my eyes. "Pst," I call her. She snap her head to look at me.
"Yes?"
I smile in sarcasm. "Are you being paid by just sitting? Wow, what a nice nurse--wait, are you a legit nurse?"
"Jacq..." Tawag sa'kin ni Quin kaya napaligon ako sa kaniya.
"What? I'm just stating the fact." Napalingon muli ako sa nurse na ngayon, naka-tayo na. "So you'll just stand there?"
"Jacq, tinatakot mo--"
"I don't care. Wala siyang ginagawa, and naririnig niya na gusto mong umupo pero hindi ka niya tinutulungan?" Napatingin muli ako sa nurse na ngayon ay nakatingin pa din ng diretso sa'kin na animo'y lalaban siya. "What kind of nurse are you?"
She faked a smile. "Pinapunta lang po kasi ako dito para may kunin na files." Sabi niya sabay turo sa mga nakatambak na papel at mga folder sa may tabi ng sofa na inuupuan niya kani-kanina lang. "Baka daw po kasi maka-abala sa inyo kapag naglalakad kayo. P-pasensya na po."
Kinuha nito ang mga gamit, papeles at lahat ng folders at tuluyang nilisan ang k'warto.
Napasapo nalang ako ng aking noo at napa-pikit. "Damn." Pagrereklamo ko. Huminga ako ng malalim. "So, wala talaga silang balak na magpadala ng tutulong sa'yo?" Nadi-dismaya kong tanong sa kaniya.
Hindi siya sumagot at napabagsak ang kaniyang balikat nang hindi siya maka-upo mula sa kaniyang pagkakahiga. Nakapikit ang mga mata nito at mabibigat na naman ang hininga.
Huminga nalang ako ng malalim at napatingin lang sa kaniya.
'Yong mga galos niya, 'yong sugat niya sa may kilay at pasa sa may labi niya.
"A-ano ba kasi'ng nangyari sa'yo?" Mahina't seryoso kong tanong sa kaniya.
Hindi na naman siya sumagot. Nakapikit pa din ang mga mata nito na akala mo natutulog pero alam kong hindi. "Tss." Pag-iimik ko pero wala pa din. Tumayo na ako at tiningnan ko siyang muli. "Aalis na ako."
Tumalikod na ako't huminga ng malalim bago maglakad.
Napalingon ako sa kaniya nang bigla niya akong higitin at napa-upo akong muli sa inuupuan ko kanina habang nakahawak pa din siya sa'king braso. "Hindi ba't sabi ko 'wag mo 'kong iiwan?" Natigilan ako sa tanong niya.
YOU ARE READING
Love Suicide
Teen FictionEscaping your problems through death wasn't the best way to forget all things and forget the happiness that you deserve.