DECEMBER 3: Thursday
"Halika na," lumapit siya may sa'kin at kinuha ang aking kamay. Itinayo niya ako't hinigit.
Nakatulala lang ako sa kaniyang kamay na hawak ang kamay ko habang naglalakad kami. Hindi ko alam kung bakit wala akong magawa. Mula sa mabilis naming paglalakad, bumagal ito nang bumagal hanggang sa tumigil na kami.
"Damn it, Jacq Nav." Mahina nitong sabi nang tumigil kami sa paglalakad. Magkahawak pa din ang aming mga kamay at mas lalo niya itong hinigpitan at nagulat nalang ako nang hatakin niya ako papunta sa kaniya.
"Q-quin..." Banggit ko sa pangalan niya na lalong nagpahigpit sa kaniyang pagkakayakap sa'kin.
"I'm sorry..." Paghihingi niya ng tawad na ikinagulo ko naman.
"S-sorry?"
Hindi siya sumagot at hiniwalay ako sa pagkakayakap niya sa'kin. Hawak niya ang magkabilang balikat ko.
Mabilis ang mga pangyayari at naramdaman ko nalang ang kaniyang labi sa noo ko.
I tightly grip my skirt. Napatingin ako sa kaniya nang bigla inilayo na niya ako sa kaniyang mukha at binitawan ako.
Tumalikod siya sa'kin at lumingon. "Lary is waiting for you." Seryoso nitong sabi na tila ba wala siyang ginawa kanina na nagpalakas ng tibok ng puso ko.
"Quin," tawag ko sa kaniya. Tumigil lang siya sa paglalakad at iginawi ang kaniyang tingin sa kaliwa pero hindi siya tumingin sa'kin.
Napayuko nalang ako nang dumiretso siya ng paglalakad. "Bakit ka ba kasi ganiyan?" Bulong ko sa sarili ko. "Bakit din ba kasi ako nagkakaganito?" Pagtatanong ko sa'king sarili.
Naglakad nalang ako papunta sa coffee shop malapit sa campus at nakita ko do'n si Lary na naka-upo. Siya lang mag-isa.
"Bakit alam ni Quin?" Bungad kong tanong sa kaniya kaya naman pabalikwas niyang isinara ang kaniyang binabasang libro at ang kaniyang upo.
"Gago ka ah." Sabi nito sa'kin habang inaayos ang kaniyang upo.
I smirked from what he've said. Uupo nalang ako sa upuan kaharap niya. "Bakit na naman--"
"Sit down Miss Nav." Napalunok ako kahit na hindi ko kilala ang nagsalita mula sa'king likuran.
Nilingon ko siya't nakita ang babaeng balingkinitan. She's wearing a black T-shirt tucked in a black high-waist jeans with a black leather jacket. It's all paired with black boots.
Is it all right? That she's wearing black from head to toe?
"Done suspecting me?" She asked, taking away her shades off.
She more looked like a hot mom? "Miss Deep." Nakita ko mula sa'king peripheral vision na tumayo siya't napayuko ng bahagya.
Ibinalik ng babaeng kaharap ko ngayon ang kaniyang tingin sa'kin kaya naman napa-iwas ako ng tingin. "Jacq Nav, right?" Pagtatanong nito kaya naman 'di nagtagal, napatingin na din ako sakaniya.
She smirked when I look at her. "It's nice to meet you in person, Nav." Mahina nitong sabi pero malakas ito para sa'kin dahil lumapit siya sa'kin at nakipagbeso. "Finally." Inilagay niya ang kaniyang glasses sa bulsa ng kaniyang leather jacket.
"You can now take your seat, Jacq." Mahinang sabi ni Lary sa'kin kaya naman napatingin ako sa kaniya habang umuupo na din sa upuan na kaharap namin.
YOU ARE READING
Love Suicide
Teen FictionEscaping your problems through death wasn't the best way to forget all things and forget the happiness that you deserve.