XCII

6 0 0
                                    

DECEMBER 24: Thursday

"What do you mean?" He asked.

I just smiled at him and said, "aalis kami."

"Ha?"

"Lilipat kami sa Manila."

"Manila?" Napayuko siya. "Ang layo."

Tumawa ako sa kaniya. "But of course, I won't let that happen."

Tumingin siya sa'kin. "Ang hirap kaya ng long distance."

"Wow Quin ah, akala mo naman tayo ah."

Lumapit siya sa'kin at inakbayan niya ako. "Alam mo Jacq," tumingin ako sa kaniya at nakatingin lang siya sa langit. "Magiging tayo."

Saktong-saktong pagkasabi niya no'n bigla akong nakakita ng shooting star.

"Woah!" Sigaw naming dalawa.

"Pupusta ako Jacq, magkakatotoo 'yan."

Ngumiti ako sa kaniya. Hindi ko nalang pinansin 'yong sinabi niya at iniba ang topic.

Nasa'kin kasi 'yong choice eh.

"So, ano oras tayo uuwi?" Pagtatanong ko sa kaniya.

"Maya na, basta dapat nasa bahay na ako before one."

Tumango lang siya at humiga sa daan.

"I wonder kung magiging isa tayo sa mga tinitingala kapag gabi."

Humiga din ako sa kalsada. Not minding kung madumi 'yong hinihigaan namin basta kausap ko siya, kasama ko siya.

"You think we'll shine that bright like those stars in the sky?"

Tiningnan ko siya at tumango siya. "Pero hindi natin sure kung makikita tayo ng mga tao dito sa kung nasa'n man tayo ngayon."

Huminga ako ng malalim at ipinikit ko ang aking mga mata.

"Jacq," napalingon ako sa kaniya. "Kapag nagkahiwalay tayo, magsasama din tayo."

"Ano'ng pinagsasasabi mo?" Umiling lang siya at umiwas ng tingin.

"Wala." Ngumiti siya. As in labas 'yong ngipin niya. "Basta ha? Kapag nagkahiwalay tayo, kung ikaw ang nauna do'n, hintayin mo ako ha? And I'll do the same thing."

Nagtataka na ako sa sinasabi niya.

Parang wala na siya sa sarili niya pero mini-mean niya 'yong sinasabi niya.

"Uhm, okay." Tumango nalang ako sa kaniya at napangiti nalang siya sa'kin.

Inusog niya ako papalapit sa kaniya at pinahiga niya ako sa kaniyang dibdib. "Naririnig mo?"

"Ha? Ang alin?"

Tumingala ako sa kaniya at nakangiti siya habang nakatingin sa'kin. "Heartbeat ko."

Pinakinggan ko 'yong heartbeat niya. "Oo."

"Naiintindihan mo ba?"

"Ang alin?"

"'Yong sinasabi ng puso ko?"

"Dug dug dug dug?"

Love SuicideWhere stories live. Discover now