AdelMy name is Madeline Ecostia a.k.a Adel. May simple at maayos na pamumuhay, may masaya at tahimik na pamilya. Solong anak lang ako, kaya medyo malungkot.
I can say....ok lang naman ang buhay ko. Pero hindi normal sa isang babaeng katulad ko. I'm 23.
May nag iisang kaibigan na anak ng mayordoma namin na yaya ko noon. Si Fe.
Dati ay medyo marangya ang pamumuhay namin. May malaking bahay. May mga negosyo ang pamilya ko. Si Papa ay may car parts shop, import and export. Si mama naman ay clothing business at medyo may kalakihang groceries.
May tatlong kaming sasakyan. Isa kay Papa, ang isa ay kay mama at ang huli ay para sa akin kung may pupuntahan akong importante.
Lumaki akong simple. Simple sa lahat ng bagay. Pinamulat sa akin ng mga magulang ko ang kasimplehan ng pamumuhay. Natuto rin ako ng mga gawing bahay sa pagtuturo narin ng aking butihing yaya na si nanay Pinang.
Magluto, maglaba, mag linis, kahit pa ang magplantsa.
Dahil balang araw daw, lahat nang natutunan ko ay mai-aaply ko pag nag asawa na ako.
Pero paano?
Katulad ng sinabi ko, hindi ako katulad ng ibang normal na babae o tao.
Lumaki ako na apat ng sulok ng aming bahay lamang ang aking halos nakikita. Makalabas man ng bahay ay ilang oras lang. O limitado. Bawal din ang walang chaperone. Kung hindi si mama o si nanay Pinang ay si Fe ang kasa kasama ko.
I was seven ng ma-discover na may problema ako sa puso. Humihina ang puso ko habang lumalaki ako. Nag undergo ako sa isang operation at the age of nine. Akala namin ok na. Hanggang sa muling malagay sa piligro ang buhay ko at the age of fifteen. Delikado na daw para sa akin dahil it was my second time na ooperahan. Risky na sabi ng mga doctor. Dinala na ako ng mga magulang sa ibang bansa para mas mahuhusay na doctor na ang mag asikaso sa akin. Nagtagal din kami doon para narin ma supervise ang lagay ko.
Malaki ang naubos naming pera kakabalik balik namin noon sa mga specialist.
Napilitan umuwi muna si Papa dahil nagkakaproblema sa negosyo namin sa Pinas.
Nabalitaan nalang namin na nalulugi na ito dahilan para tuluyan na itong ibenta ni papa.
Sa edad na fifteen ay nauunawaan ko na ang lahat.
Ako at ang sakit ko ang dahilan kaya nahihirapan ang mga magulang ko.
Pagkatapos ng operasyon na ikinatakot ng mga magulang ko ay nakaraos naman ako
Buhay ako.
Pero unti unti nadin nagbago ang pamumuhay namin.
Umuwi kami ng Pinas. Tuloy parin ang medication ko.
Mahal ang mga gamot. Mahal ang buwanang check up.
Binawalan din akong mag trabaho ng mga magulang ko ng kahit ano kaya kahit malaki na ako ay nandiyan parin si nanay Pinang.
Nag aasikaso ng lahat ng pangangailangan ko at ng mga magulang ko.
Nawala na din ang clothing business ni mama pambayad sa iba naming mga gastusin at sa pag aaral ko.
Pati ang mga sasakyan namin ay isa nalang ang natitira. Pinagtulungan nalang ng mga magulang ko ang grocery ni mama.
Nakapag tapos ako ng kolehiyo. Home study parin.
Pero hindi parin ako hinayaan ng mga magulang ko na mag hanap buhay.
Hindi bale na daw na sila ang mapagod wag lang akong mawala sa kanila.
Oo...Ganon sila katakot na baka isang araw, tuluyan na akong mawala sa kanila.
Hirap kasing mag buntis si mama, kaya nang ipinanganak ako ay ganon nalang ang pagmamahal at atensyon na ibinuhos nila sa akin ni papa.
Si Fe ang naging karamay ko sa lahat. She knows all my secret at ganon din siya sa kin. Pero normal ang buhay niya. Nag aral siya sa isang universidad at nakapag tapos na din bilang isang nurse kaya nadagdagan ang taong palaging nag papaalala sa akin ng mga bawal at hindi dapat.
I decided na tulungan ang mga magulang ko. Naging Web designer ako at nag online business narin. Si Fe ang katuwang ko pag wala itong trabaho.
Kahit papano, I was earning kahit nasa bahay lang. Nakaka pag save ako ng pera and in case na kailanganin, may madudukot ako.
Akala ko ay mananatiling ganito lang ang takbo ng buhay ko....
Hanggang sa dumating ang isang taong babago nito...
To be continued...
a/n
I'm back....
Matagal ba akong nawala :')
I miss you all. Sana na miss niyo din ako...charot
Heto na naman ako at muling guguluhin ang tahimik niyong puso...
Asahan ang dapat asahan dahil palagay ko ay kilala niyo na ako.
Ang masokistang otor na walang ginawa kundi ang manakit.
Pero wag niyo sana ako I hate :')
Masaya ako habang gumagawa ng kwento at sana, mapasaya ko din kayo.
This is me again...@sshsturmfrei
Ang otor na hindi marunong na magpakilig....
Pero mahilig manakit 😉
P.S : miss ko ang mga Baliw na comments niyo 😉

BINABASA MO ANG
SPARKS from RED
FanfictionWAGAS na pagmamahal? Meron pa nga ba nito? Kayo ba? Naranasan niyo na bang mahalin ng WAGAS o nagmahal na ba kayo ng WAGAS ?