SR : part 25

2K 146 43
                                        


The next day ay ganon parin. Hindi siya nag aaksaya ng kahit isang letra lalo na at ako ang kakausapin niya.

Unless uutusan niya ako.

"Prepare something to eat. Pupunta dito ang mga kaibigan ko. Sarapan mo" naka smirked pa ito ng mag utos.

Pero bago pa ito tuluyang lumabas ng bahay ay sinipa nito ang pail na may lamang tubig. Gamit ko iyon dahil naglalampaso ako ng sahig.

Kumalat ang tubig sa tapos ko na sanang linisan.

Napabuntunghininga na lamang ako ng wala na siya.

Kaya yan Adel...

Nilimas ko ang tubig na kumalat sa sala gamit ang basahan.

Tinapos ko ang mga dapat kong gawin dahil bandang hapon ay magluluto naman ako.

Nag spray pa ako ng air freshener para naman hindi nakakahiya sa mga kaibigan ni Red.

Naglagay din ng fresh flowers sa vase.

Okay...perfect

Then, bandang alas singko ng hapon ng mag umpisa akong mag gayak ng lulutuin ko.

Hindi ko alam kung dito sila magiging di-dinner o paano..

Bahala na.

Nag luto ako ng mga classic pilipino food. Alam ko kasi sa mga katulad ni Red, madalas nilang kainin ay mga foreign dishes. Never pa akong nakapunta sa resto niya pero sure akong hindi pilipino foods ang nasa menu nila.

Nagluto ako ng adobo, chicken tinola, sisig at fried tilapia.

Nag gawa na din ako ng dessert. Fresh orange and carrot juice.

Pine-prepare ko na ang table ng ka marinig ako ng ingay mula sa labas. Batid kong nandito na si Red kasama ang mga kaibigan  niya.

Palabas na sana ako ng kusina para harapin ang mga kaibigan nito ng mapaisip ako.

Hindi tiyak magugustuhan ni Red kung magpapakita ako sa mga kaibigan  niya.

Kaya bumalik nalang ulit ako sa kusina at doon nagtago.

Ang dining table kasi para sa mga bisita ay medyo malayo sa kusina. Nakabukod ito. Kaya hindi naman nila ako makikita. Unless tawagin ako ni Red.

Hindi para iharap sa mga kaibigan nito kundi para utusan.

Narinig ko ang mga boses ng kasama nito na nagpunta sa gawing sala.

"Nice home" komento ng isa.

"Even smells nice ha. Ok ang maid mo ah" sabi naman ng isa.

Hindi ako katulong no...Sabi ko sa isip ko.

Ay....Ganon nga din pala yon. Asawa lang ako sa papel, katulong naman sa bahay.

"Thank you" yun lang narinig kong sagot mula kay Red.

Di man lang ako pinagtanggol.

"Feel at home. Check ko lang kung ok na yung dinner natin" narinig kong sabi nito.

Narinig ko ang pagtanggal niya sa mga cover ng pagkain na inihain ko sa table.

"Hey, come on. It's ready" tawag nito sa mga kaibigan niya.

"Mag isa ka lang dito?" tanong ng isang boses.

Sa palagay ko tatlo ang kasama niya. Base sa mga boses na narinig ko.

"No. May isa akong kasama dito" sagot ni Red.

"Who?" tanong muli ng isa.

"Let's eat" sagot nito.

Wag na kayo magtanong. Hindi nga niya matanggap na asawa niya ako. Ipakilala pa kaya.

Narinig kong masaya silang nag ku-kwentuhan hanggang sa mapunta ang topic sa mga niluto ko.

"This is good ha"

"Yeah. Filipino dishes na super dalang ko nang matikman unless I'm out of town"

"I can only eat like this when my mom visited me. At least once a month"

"Swerte mo Red. Marunong magluto ng ganito ang kasama mo. Sino ba siya? Bakit hindi namin nakikita?"

"Her name is Adel" sagot lang nito.

Yun lang...ako bilang Adel sa buhay niya. Hindi bilang asawa...asa pa ba ako.

"Adel...nice name. Sweet siya no, and caring" komento ng isa.

"How do say so?" tanong naman ni Red.

"Wala lang. Para sakin kasi, ang babaeng masarap magluto at maayos sa bahay, masarap kasama sa buhay" sagot ng lalaking nagtanong.

"You didn't know her Don. She's the opposite" sagot ni Red.

"So...ano mo si Adel?" tanong ng isa pa.

Please lang...wag niyo na siyang pilitin. Baka ako na naman ang pag initan niyan mamaya.

"She's ----hindi nito na ituloy ang dapat niyang sabihin ng mag ring ang cellphone nito.

Alam ko ang ring tone niya kaya alam kong sa kanya yon.

To be continued...

Ahemmmmm....yun lang

Bawi na ako ha...3 updates kahit short lang

SPARKS from RED  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon