"Ma, pwedeng ikaw na muna tumingin kay Hopie, may pupuntahan lang ako" Friday morning at naisipan kong puntahan ang bahay namin ni Red."Saan ka pupunta anak?" usisa ni mama.
"Sa bahay namin ni Red ma, may kukunin lang ako"
"Magtatagal ka ba?"
"Hindi po, mabilis lang ako. Sige po aalis na po ako"
"O sige mag iingat ka" paalala pa nito.
Iba kasi ang kutob ko. Good or bad, I don't know. Pero alam kong may tinatago sa akin si Red.
At gusto kong alamin.
Si manang Lora ang naisip kong kausapin dahil hindi ito umaalis ng bahay.
Sanay mali ang kutob ko na niloloko ako ng asawa ko.
Umaasa ako na this time, mabubuo na kami.
I'm giving him all the chances to prove to us that he changed.
At kung mabigo ako, na hindi na desidido si Red na makasama kami, I will give up.
Hindi ko ipagpipilitan ang sarili ko, kami ng anak ko kung ayaw niya. I can raise her on my own.
Pero may bahagi ng pagkatao ko na nasasaktan ngayon palang.
Siguro tama ang sinasabi ng iba...pinagtagpo pero hindi nakatakda.
-
"Adel?, ikaw nga ba?" Gulat na tanong ni manang Lora pagkakita sa akin sa labas ng gate.
"Ako nga manang Lora, kamusta po? "
"Abay mabuti. Ikaw kamusta ka na, ang tagal mong nawala"
"Okay lang din po ako manang, pwede po ba tumuloy" Mukang nag enjoy na ito sa usapan namin at nakalimutan na akong papasukin.
"Ay pasensya ka na iha, ay jusko nakalimutan kitang papasukin. Halika at mag merienda ka na tuloy"
"Hindi na po manang, may sadya lang po ako"
"Ano ba yon?" tanong nito ng mag kaharap na kami sa sala.
"Manang, tuwing sabado ba nandito si Red sa bahay?" unang tanong ko.
"Abay Oo. Maghapon dito yon. Pero mula lunes hanggang huwebes ng gabi ay hindi umuuwi. Nagtataka nga ako. Pero dati, buong linggong hindi yon napirmi sa bahay"
"Sa amin po siya pumupunta manang kaya wag kayo mag alala"
"Ay ganon ba. Ako'y hindi na magtatanong at buhay niyo yang mag asawa, pero ramdam ko na nung umalis kay ay may mabigat kang naging problema. At nakita ko din ang paghihirap ng kalooban ng asawa mo. Pagkagaling sa trabaho ay hindi na kakain at aalis muli. Ang sabi niya ay hahanapin ka daw niya. Pero sa tuwing uuwi siya at hindi ka kasama, kitang kita ko ang panlulumo niya. Parang nawawalan ng pag asa. Pero hindi siya sumuko, kaya lamang, dumating siya sa puntong parang sumuko na. Yun ang araw na nagpunta dito ang kaibigan mo at hinahanap siya. Papunta siya non sa US, sabi niya, susubukan niyang bumangon muli. Ano ba ang nangyari, nagkita ba kayo?"mahabang kwento nito.
"Opo manang nasaktan din pala siya sa pag alis ko. Akala ko, guilty lang siya "Ahm manang, itatanong ko lang po kung ano ang ginagawa ni Red dito sa bahay tuwing sabado. Wala po bang nagpupunta dito----na babae?" kinakabahan pa ako ng itanong ko yon.
"Nako adel"
To be continued...
Abangan ang susunod na kabanata...charot
Ano kaya ang sasabhin ni manang Lora....
Tandtadadannnn....
BINABASA MO ANG
SPARKS from RED
FanfictionWAGAS na pagmamahal? Meron pa nga ba nito? Kayo ba? Naranasan niyo na bang mahalin ng WAGAS o nagmahal na ba kayo ng WAGAS ?