SR : part 07

1.9K 153 32
                                        


Adel

I'm not expecting anything from Red na dadalin niya ako sa isang class o mamahaling restaurant.

But I'm not expecting either na sa isang carinderia niya ako dadalin malapit sa bayan.

Hindi ako maarte Oo, pero this is supposed to be my first date sa lalaking magiging asawa ko.

Sana man lang, memorable yung place. I mean, somethings sweet or cozy. Yung medyo romantic.

Pero ano nga ba ang aasahan ko.

We've just met again after so many years at ngayon, ikakasal agad. Advantage for me dahil sa totoo lang, sa tuwing tinitigan ko ang gwapo nitong muka ay lalo akong nahuhulog dito.

Yes, he's not sweet. Not kind. Pero ano magagawa ko, sa kanya nakaramdam ng kakaiba ang puso ko.

Nakakakita naman ako ng ibang guys pag lumalabas kami nina mama or Fe o si nanay Pinang, but never had a close encounter. At walang nakakuha nang attention ko.

Si Red palang.

Si Red na sing lamig ng yelo ang pagtrato sa akin.

He's never been sweet, kahit act of kindness lang since our family were friends and kababata ko siya.

Hindi naman siya kumain actually, maybe hindi rin siya sanay sa mga ganong klaseng luto. Pero ako, kinain ko ang binili niyang pagkain para sa akin.

Ayaw ko kasi ng nag aaksaya.

Ayaw ko ng nagtatapon ng pagkain lalo pat marami ang nakakaranas ng gutom.

Patapos na ako kumain ng magsalita siya.

"We can start" sabi pa nito.

"Ahm hindi mo naman kakainin yan di ba" pagtukoy ko sa pagkaing nasa harapan lang niya.

"No-----you're still hungry?" Pagtataka nito.

Umiling ako "kunin ko nalang ha"

Tumango na lamang ito.

Dinala ko ito sa babaeng nasa harap na nagtitinda ng iba't ibang klase ng pagkain.

Pinadagdagan ko na din ng iba pa. Kanin at ulam na kakasya sa isang pamilya.

Bumalik ako dala ang plastic bag na may lamang mga binili ko.

Nakatingin lamang ito sakin na may pagtataka.

Nagtataka marahil ito kung saan ko dadalin ang mga binili ko.

"Ano yung pag uusapan natin?" tanong ko ng maka upo na ulit ako.

"About us. About the wedding " sabi nito.

"Anong tungkol don?" Wala pa man ay tila alam ko na ang gusto niyang mangyari.

"Tell them that you're not going to marry me" walang paligoy ligoy na sabi nito.

"P-pero bakit?" Tumtutol ang puso ko sa gusto nito.

"Simple lang. Hindi ko gustong pakasalan ka. I just can't say no to dad dahil may sakit ito sa puso. And anytime ay baka atakihin ito at ayaw kong ako ang maging reason if ever na may mangyari sa kanya. So it's easy kung ikaw ang aatras sa kasal" paliwanag nito na nagdulot ng munting kirot na bumalot sa buong pagkatao ko.

He's dumping me kahit wala pa man. That easy. Sino nga ba naman ako para pakasalan niya.

"B-bakit ayaw mong makasal? " umaasa akong may maganda itong dahilan.

"I don't like you ok. That's the first reason. I dont even know you. And most of all, I have a girlfriend waiting for me" mabilis na tugon nito.

I have a girlfriend

I have a girlfriend

I have a girlfriend

Paulit ulit na nag replay sa utak ko.

Kaya pala ayaw niya kaming makasal.

May nag iintay pala dito.

Pero wala naman nakapag tataka don. Gwapo siya, mayaman.

Hindi problema sa kanya ang babae. Siya pa tiyak ang hahabulin.

At ako ay isang simpleng babae lang.

"Just cooperate Adel. Para maging madali nalang ang lahat. And after that, we can be friends" dagdag pa nito.

Tumango na lamang ako bilang tugon.

Pero hindi ako sigurado kung susundin ko ang gusto niya.

Pumayag akong magpakasal sa kanya dahil may nararamdaman ako para dito. At pangalawa, ayaw kong biguin ang mga magulang na ko na walang hinangad kundi ang kabutihan at ang kapakanan ko.

Habang nasa kotse pabalik ng bahay ay tahimik lang kami. Lalo ako. Ang daming naglalaro sa isip ko.

Kung papayag ba ako sa gusto niya o mas pipiliin ko ang gusto ng puso ko.

"Ihinto mo sandali" sabi ko.

Napatingin ito sa akin at nagtaka. Hindi na ako nagsalita pa at mabilis na bumaba ng sasakyan nito.

Nilandas ko ang isang medyo putikan at makitid na daan patungo sa isang bahay kubo.

Isang bahay na may nakatirang isang mahirap na pamilya na may walong miyembro.

Pagkakita nila sa kin ay sinalubong nila ako ng yakap.

"Kamusta kayo" bati ko sa mga batang sunod sunod ang laki.

Fifteen ang pinaka matanda sa kanilang magkakapatid, at ang mga sumunod ay halos isa o dalawang taon lang ang pagitan.

Nakikisaka lamang ang mga magulang nito dahilan upang hindi nila maibigay ang lahat ng pangangailangan ng mga anak nila.

Sa tuwing lumalabas ako ay dumadaan ako dito para abutan sila ng konting makakain. Kung hindi naman ako makakabisita ay pinapadalan ko nalang ito kay mama o Fe ng pagkain at iba pang gamit. 

"Na miss ka namin ate Adel" Si Roxanne. Ang panganay nila.

"Kayo din naman eh, na mis ko. Dumaan lang ako dahil ibibigay ko ito. Hindi na ako magtatagal ha. May nag iintay kasi sakin eh" sabi ko sabay haplos sa pisngi ng batang pinaka maliit sa kanila.

"Salamat po ate. Mag iingat kayo" sabay sabay na sabi nila bago nanakbo pabalik sa bahay ng mga ito at mabilis binuksan ang plastic bag na ibinigay ko.

Nakangiti ako sa kabila ng pinagdadaanan ng puso ko.

Sawi na agad kahit hindi pa nakaka first base.

Tahimik akong bumalik sa sasakyan ni Red at tahimik din habang binabagtas namin ang daan pauwi.

To be continued...

SPARKS from RED  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon