"Good evening Adel" bati sa akin ni manang Lora pagka uwi ko galing kila mama."Evening manang. Si Red wala pa po?" ten na kasi ng gabi. Nine pm ang pinaka late na uwi nito. Mostly ay eight thirty nasa bahay na ito.
"Wala pa Adel. Kumain ka na ba?" usisa nito.
"Tapos na manang. Nag dinner na ako sa bahay nila mama. Matulog na po kayo. Hindi na kakain yon dito" utos ko.
"O sige. Goodnight Adel" sabi nito bago tinungo ang kwarto nito malapit sa kusina.
Nag tuloy na din ako sa kwarto ko. Nag half bath saka natulog.
Kung anong oras umuwi si Red ay hindi ko na alam. Basta narinig ko nalang ang pagbukas at ang pagsara nito ng pintuan sa kwarto niya.
-
Another Sunday morning. Maaga muli akong gumising para magsimba.
"Morning Adel. May lakad ka? " puna ni manang.
"Opo. Magsisimba lang po. Gusto niyo ko samahan" tanong ko.
"Ah tapos na ako iha. Maaga ako nagsisimba"
"Ganon po ba. O sige po, aalis na po ako"
Muling ay sa gitnang bahagi ako ng simbahan naupo. At taimtim na nagdasal.
Panginoon...Alam ko pong naiintindihan niyo ang naging desisyon ko. Mahirap din po ito para sakin pero kailangan. Hindi po ako magiging masaya kung sarili ko ang iisipin ko. At alam ko pong maiintindihan ako ng mga magulang ko. At alam kong magiging masaya si Red sa gagawin ko. Masakit dahil kailangan kong pumuli. Dahil kung ako lamang po ang masuusnod. Gusto kong lumaban. Pero hindi po ganoon ang sitwasyon. Magpaparaya po ako dahil iyon ang tama at mas masaya po ako sa desisyon ko. Sana po ay gabayan niyo siya oras oras.
Sapat na po ang binigay niyo sakin na pagkakataon.
Wala na po akong hihilingin pa...
Matapos ang misa ay naglakad lakad muna ako sa paligid ng simbahan.
Hanggang isang lalaki ang lumapit sakin. May katandaan na ito pero malakas pa.
"Iha" mahinang tawag nito na para bang may gusto itong sabihin.
"Bakit po?" tanong ko dito
Hinawakan niya ang palad ko pero hindi niya ito tiningnan. Parang dinama niya lang.
"May mabuti kang puso. Susugal ka sa alam mong tama. At mas ninais mo ang magparaya. Kahit mabigat ang magiging kapalit. Ang katapusan ang magiging simula ng lahat" sabi nito saka binitiwan ang kamay ko at naglakad papalayo.
Naiwan akong naguguluhan sa mga sinabi nito.
Tinangka ko pa siyang habulin pero bigla na itong nawala.
Umuwi ako ng bahay na naguguluhan parin.
Pero bago pa ako makalapit sa bahay namin ay natanaw ko ang isang tagpong muling magpapasakit sa puso ko.
May kasamang babae si Red at niyakap niya pa ito bago sila lumulan sa kotse nito.
Nagkubli ako para hindi nila ako makita.
At nang makalayo na ang sinasakyan nila ay saka tumulo ang luha ko.
Wag kang mag alala Red...
Ibibigay ko na ang gusto ng puso mo...
To be continued...
Wala akong masabi guys...basta

BINABASA MO ANG
SPARKS from RED
FanfictionWAGAS na pagmamahal? Meron pa nga ba nito? Kayo ba? Naranasan niyo na bang mahalin ng WAGAS o nagmahal na ba kayo ng WAGAS ?