Naging abala ang mga magulang ko pati si nanay Pinang at Fe ng araw na yon.Yun kasi ang araw na bibisita sina tita Catherine at pamilya nito.
Nagluto si mama ng kung ano anong klaseng pagkain.
Ako naman ay tutulong di pero limitado. May mga bantay.
Ok naman na kasi ako. Hindi na ako katulad ng dati na madaling mapagod. At mabilis kapusin ng hininga.
Normal na ika nga.
Maya maya pa ay may kumakatok sa pintuan na mabilis namang pinagbuksan ni mama.
Dinig ko mula sa kusina ang tawanan ng mga ito.
Pinagbihis ako ni mama ng isang bistida na plain white.
Para daw medyo pormal naman ako.
"Adel, anak halika. Nandito na ang mga tita Catherine mo" pag tawag sa akin ni mama mula sa sala.
Marahan akong naglakad papunta sa sala.
Ewan ko ba pero kinakabahan ako sa hindi ko magpaliwanag na dahilan.
"Yan na ba si Adel" bulalas ng babae na sa palagay ko ay si tita Catherine. Kamuka kasi nito ang babaeng nasa picture na nakita ko.
"Oo Catherine, yan na nga" nakangiting sagot ni mama dito.
Hinila ako ni tita Catherine sa tabi nito.
"Ang laki mo na. Saka ang ganda" hinagod pa nito ang mahaba at itim na itim na buhok ko.
Nag uusap ng mga oras na yon sina Papa at palagay ko ay si tito Kenzo.
"Kenzo look" tawag ni tita Catherine sa asawa nito.
Napangiti ito paglingon sa gawi namin "is that Adel. Ang makulit na si Adel" sabi nito.
"Yes dad. Ang ganda niya di ba" sagot ni tita Catherine.
"She is. Kamusta kulit" sabi ni tito Kenzo.
Kumunot ang noo ko sa tawag nito sakin.
Nagkatawanan sina mama at Papa pati sila tito Catherine at tito Kenzo.
"Nako anak, yan ang tawag sayo ng tito Kenzo mo. Eh pano, sobrang kulit mo noong maliit ka pa. At ang tito Kenzo mo ang palagi mong napag didiskitahan. Lahat ng gusto mo, sa tito Kenzo mo sinasabi dahil sinunsunod niya ang layaw mo" kwento ni mama.
"Nga pala. Red halika nga dito sa loob" tawag nito kay Red.
Naiwan ito sa labas na tila ba may kausap sa cellphone nito.
Maya maya pa ay nakita ko ang pagpasok nito.
Ang gwapo! naibulalas ko sa isip ko.
Kumabog ng mabilis ng puso ko.
Kalma ka lang puso ko. Baka masobrahan ka.
Ang gwapo nito lalo na at malapit na ito sakin.
Ang puti, ang tangos talaga ng ilong nito. At ang pupula ng mga labi. Makapal ang kilay na nakadagdag sa pagka gwapo nito. Wavy ng bahagya ang itim na itim na buhok nito. Light brown ang mga mata. At ang tangkad.
Matangkad na ako pero mas mataas ito sa kin.
"Red, this Adel. Ang kababata mo" pakilala nito sa akin.
Inaabot niya naman ang kamay niya na atubili kong tanggapin.
First time kong may makaharap na lalaki kaya ganon nalang ang kaba at ang bilis nang tibok ng puso ko.
"Adel, siya naman si Red. Ang anak namin ng tito Kenzo mo" dugtong ni tita Catherine.
Nang magdaupang palad kami ay tila ba my kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko.
Love at first sight ba ito?
Ay hindi pala...nagkita na kami noon.
Love at second sight nalang siguro.
At hindi siya mukang bading...lalaking lalaki ang itsura nito.
Nakatitig lang ito sa mga mata ko pero walang salitang lumabas sa bibig nito hanggang sa bitawan na nito ang palad ko.
Habang kumakain ay palihim ko itong sinusuluyapan. Busy ito sa cellphone niya kaya hindi niya siguro mapapansin.
Pero sa huling paglingon ko dito ay nakita kong nakatingin na ito sa akin.
Biglang bawi ako ng mga mata ko dahil sa hiya.
Napansin kaya niya.
To be continued...

BINABASA MO ANG
SPARKS from RED
FanfictionWAGAS na pagmamahal? Meron pa nga ba nito? Kayo ba? Naranasan niyo na bang mahalin ng WAGAS o nagmahal na ba kayo ng WAGAS ?