SR : part 12

2K 163 51
                                        


Habang nakamasid ang lahat sa paglalakad ko sa gitna ng aisle na bakas ang saya sa mga muka nila ay siya namang walang tigil na pagkabog ng dibdib ko.

Samut saring emosyon ang nararamdaman ko.

Takot, kaba, saya....

At hindi ko alam kung alin ang mas nangingibabaw.

Sa dulo ay nandoon si Red, nag iintay,  at napaka seryoso ng awra nito.

Ni walang bahid ng kahit na katiting na ngiti.

Lord...help me!

Bulong na panalangin ko.

At nang nasa harapan na niya ako ay nagmano naman ito kina mama at Papa.  Saka niya kinuha ang kamay ko na ikinapit niya sa kaliwang braso nito.

"Smile----This will be the start of our happy days" bulong nito na nakangiti.

Napalunok ako sa sinabi nito.

Hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko.

Gwapo ang muka nito pero tila ba may tinatagong pagkatao na hindi ko pa natutuklasan.

Natapos ang seremonyas ng kasal at lahat ay tuwang tuwa dahil naidaos ito ng maayos.

Sa reception ay panay bati sa akin ng ilang kakilala ng pamilya namin. Dahil ako naman ay walang ibang kaibigan kundi si Fe.

Nagsayaw kami ni Red dahil narin sa panunukso ng mga guest namin sa kasal.

Hinawakan niya ang mga kamay ko at inilagay niya sa balikat niya, habang ang mga kamay niya ay nasa baywang ko saka ito tumitig sa mga mata ko.

"Happy now?" mahinang sabi nito na hindi ko nagawang tugunin.

"Bakit hindi ka maka sagot?" tanong nito " You should be happy right? I'm already your husband. Natupad na ang gusto niyo. At hindi ko na mababalikan pa ang babaeng tunay na mahal ko" May galit ang tinig nito na nagdudulot sa akin ng kakaibang takot.

"I'm sorry" yun lang ang tanging salitang lumabas sa bibig ko.

"You should be" sagot pa nito.

"Congratulations" naputol ang pag uusap namin ni Red ng lumapit ang isa sa mga tumayong witness sa amin kasal. Si Tito Miguel. A family friend.

"Salamat po ninong" sabi kong may ngiti sa mga labi.

Si Red naman ay tumango lang bilang tugon dito.

"A gift for the newly wed" sabay abot sa amin ng isang white envelope.

Ako na umabot dahil tila walang balak si Red na kunin ito.

"Open it" utos ni totoo Miguel.

Pagbukas ko ay nakita ko ang plane ticket papuntang Paris.

"Ninong" sambit ko.

"Happy trip" sabi lang nito.

"Salamat po ninong" sagot ko. Tinapik niya sa balikat si Red at humalik naman ito sa ulo ko saka tumalikod at naglakad palayo.

"What's that?" pag uusisa nito sa laman white envelope.

"Plane ticket-----papuntang Paris" sagot ko.

"Tssssk. Alam ba nilang walang honeymoon na magaganap " sabi nito.

Napayuko nalang ako sa sinambit nito.

Hindi rin naman ako handa sa ganon.

Wala pa akong karanasan sa kahit anong bagay na pwedeng mamagitan sa isang lalaki at babae.

Holding hands o kiss...Lalo na siguro yung s**.

"Gusto mo bang tumuloy tayo?" walang ano'y tanong nito.

"Si-sige" sagot ko "Hindi pa kasi ako nakakarating don"

Hindi na ito nagsalita pa at hinila na ako pabalik sa upuan namin sa presidential table.

Then I heard clinking glasses.

Kiss

Kiss

Kiss

Sigaw ng mga bisita namin.

Hindi ko alam kung tutugunin ba namin ang nais nila.

Hindi kasi kami katulad ng mga normal na newly wed.

He hates me.

At takot ako sa kanya.

And if ever-----This was my very first kiss.

At hindi ko alam kung paano nga ba humalik. At ano ang feeling nang mahalikan.

He faced me at hinawakan ang magkabilang pisngi ko saka nito dinampian ng mainit na halik ang mga labi ko. Hindi ako nakagalaw. Tumigil yata sa pag ikot ang mundo ko ng mga oras na yon habang magkadikit ang aming mga labi.

Ganon pala ang pakiramdam ng mahalikan.

Lalo na ng taong tinatangi mo.

Ilang segundo din ang tinagal ng halik na yon at masasabi kong masarap pala sa pakiramdam.

Tumingin ito sa akin saka nag smirked.

"That would be the last" binulong nito sa tainga ko na nagpamula sa muka ko.

To be continued...

 

SPARKS from RED  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon