SR : part 72

2.4K 186 42
                                    

Pag gising ko ay tulog parin si honey at si Hopie. Sobrang himbing.

Lumapit ako sa mga ito saka ko tinitigan.

Akala ko...mawawala ka na sakin ng tuluyan honey.

Hindi ko na sasayangin pa ang second chance na to.

Ikaw at si Hopie na ang magiging buhay ko.

Humalik ako sa pisngi ni Hopie.

Nakatihaya si Adel parang inaakit mo ko honey hindi ko makakalimutan ang pinagdaanan ko kagabi.

Adel...Kung hindi mo lang ako kasusuklaman,  kagabi pa lang may nagawa na ako sayo.

Ipinilig ko ang ulo ko dahil sa mga naiisip ko.

Mabilis kong dinampian ng halik ang labi nito.

Soft

Hanggang sa inulit kong muli.

Sweet

Sorry honey...I can't help it.

At muli ay hinalikan ko ito. Dampi lang pero mas matagal.

At muli ay may naramdaman akong init na dumaloy sa buong katawan ko.

Partikular sa nasa pagitan ng hita ko.

Shit

Maaga yata akong maliligo nito.

Bumaba nalang ako para magluto ng breakfast.

Control Red.

Kapapanganak lang ni Adel..at hindi pa kami totally okay.

Nasa kusina na si nanay Pinang at mama Lorma.

"Good morning po" bati ko sa mga ito.

"Morning din Red. Bakit ang aga mo yata nagising" tanong ni an nay Pinang.

"May trabaho po kasi ako. Pero magluluto po muna ko" sagot ko.

"Nako hindi na. Papasok ka pa di ba" Si mama Lorma.

"Hayaan niyo na po ako. Gusto ko lang pong makabawi sa inyo, sa mag ina ko" sagot ko.

"Oy sige. Ikaw na bahala diyan. Magluto ka na, kami na maghuhugas ng pinag lutuan mo at mahuhuli ka sa trabaho mo" Si mama Lorma.

"Sige po" tugon ko

Nagluto ako ng mga natutunan ko. Sa totoo lang, hindi ako actual na nag aral. Sa online lang ako nag aaral ng pagluluto. Hindi naman pala siya ganon kahirap lalo na kung gusto mo ang ginagawa mo.

Ngayon alam ko na kung bakit masarap ang mga niluluto ni Adel. She cook with love. Pero hindi ko man lang na appreciate. Well---I do, but secretly.

At ngayon, gusto kong siya naman ang makatikim ng mga luto ko.  Not perfect though pero pinaghirapan.

Omelet with mushroom and butter. Crispy bacon, I also made some pancakes para kay Adel.

"Morning"

"Morning honey" nakangiting bati ko dito.

"Bakit ikaw ang nagluluto? Dapat ginising mo ko"

"It's ok honey. You should sleep more. And I'm almost done----wanna eat with me"

"Sige"

"Ahm honey, hindi ko alam kung makakadaan ako dito mamaya. May imi-meet kasi akong client after work"

"It's ok" mahinang tugon nito.

Lumapit ako sa likuran nito saka ko siya ikinulong sa mga bisig ko.

"I'm sorry. Are you sad?"

"No----bakit naman? I said okay lang di ba"

"Hindi kasi iyon ang nakikita ko. Ma mi-mis mo ba ko?"

"Aray"

Kurutin ba naman ako sa braso.

"Okay nga lang. Kain na nga tayo. May trabaho ka pa"

"Pwede naman akong hindi pumasok. Sabhin mo lang na mag stay ako.  I'm willing"

"Tumigil ka nga. Kumain na tayo. Magising pa si Hopie"

"Honey"

"Ano?" medyo inis na tanong nito.

"Ang ganda mo"

"Tse"

"Honey"

"Red? Ano ba?"

"I love you"

Napatigil ito sa paglalagay ng syrup sa pancake nito.

"I mean it" dagdag ko.

To be continued...

Redamoves...

#edwardat18

Binata na siya..nag iintay kami 😂

SPARKS from RED  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon