SR : part 84

2.3K 156 39
                                        

Hindi muling umuwi si Red ng nagdaang biyernes na yon. Pero naiintindihan ko na kung bakit.

Pero ngayon, parang gusto ko nang magtampo. Alam niyang birthday ko ngayong araw, pero mas inuna niya ang meeting niya. At hindi lang yon, pupunta din ito sa Baguio para isupervise ang malapit na nitong matapos na bagong branch ng "Hervorragend" Ang pangalan ng resto nito.

Supposedly,  magsisimba dapat kami ngayon. One broken promises.

"Anak, di ka ba magsisimba ngayon? " tanong ni mama.

"Magsisimba po, papahatid nalang po kami kay papa" malungkot na sagot ko.

"Intindihin mo nalang ang asawa mo. Para sa inyo din naman ang ginagawa niya"

"Ano pa nga  po ba? Sige po ma, aalis na po kami ni Hopie----si Papa nga pala"

"Nandoon na sa sasakyan. Kanina pa kayo iniintay"

"Ah sige po ma. Baka ma late pa kami----bye na kay mamsi" bulong ko kay Hopie.

"O mag iingat ha. Ikaw lang mag isa. Baka mawala yang napaka cute na batang yan" sabay halik din dito ni mama.

"Yes ma"

"Happy birthday anak" akala ko nakalimutan na nitong batiin ako. Magtatampo na talaga ako.

"Thank you ma. Another year of blessing. Salamat sa lahat ma" yumakap ako dito at para bang maiiyak pa ko.

Akala ko kasi, hindi ko na to mararanasan pang muli.

Na last day ko na talaga sa mundo nung araw na ipinanganak ko si Hopie.

Pero heto, patuloy parin akong binibiyayaan ng Panginoon ng panibagong pag asa.

"Mabuti kang tao kaya patuloy ding darating ang mga blessings sayo anak. O siya---baka magkaiyakan pa tayo dito. Happy birthday ulit anak"

Natawa ako sa sinabi ni mama. Eh umiiyak naman  na talaga ito.

"I love you ma"

"Love you too nak"

-

"Susunduin ko nalang kayo after ng mass Adel. Pupunta muna ako sa grocery" sabi ni papa.

"Sige po pa. Ingat po"

"Bye Hopie baby. Wag kang iiyak sa loob ha. Lakas pa naman ng iyak mo. Manang manang ka sa mommy mo"

"Pa!"

"Nagsasabi lang ng totoo----anak, happy birthday" nakangiting bati nito.

"Salamat pa" saka ako yumakap dito "I love you"

"I love you too anak. O sige na, baka maiyak pa ko"

"Yan din ang sinabi ni mama kanina. Mag Asawa nga kayo" natatawang sabi ko.

"Kaya nga love na love ko yon"

"Si Papi kinikilig baby" panunukso ko.

"Bawal na ba kiligin ang may edad. Basta nararamdaman mong nagmamahal ka, hindi bawal kiligin. Ang mag daydream. Dahil naniniwala akong may forever"

"Ayun tayo eh, may pa forever pa, walang forever pa----pero may

"Habangbuhay" sabay naming binigkas.

"O sige na nga. Matatapos na yung misa nasa labas parin kayo---bye anak. Bye Hopie"

"Bye papi"

Pumasok na nga ako sa loob habang tulak ang stroller ni Hopie.

To be continued...

SPARKS from RED  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon