Katu-katulong namin ni mama si tita Catherine sa pag aayos ng mga kailangan sa kasal.
From motifs, guests, caterer at iba pa.
Minsan lang kaming nag kasama ni Red ng mag fitting ako ng gown at suit naman para dito.
"Ang cute niyong couple. Bagay kayo" komento ng modista.
"Yes we are---we are the perfect couple" sabi ni Red.
Nangiti naman ang modista sa sinabi ni Red pero ako'y nananatiling tahimik lang.
Hindi ko kayang sakyan ang mga sinasabi ni Red na puro kasinungalingan, at ang mga ngiti nitong puro pagbabalatkayo.
-
Hanggang sa sumapit ang araw ng aming kasal.
"Anak, ready ka na?" tanong ni mama ng pumasok ito sa kwarto habang inaayusan parin ng baklang kinuha ni mama sa isang kilalang parlor sa bayan.
Ngumiti lang ako bilang tugon.
Ready na po! Ready na akong harapin ang buhay na nag iintay sa akin sa piling ni Red.
Kung ano man yon...hindi ko alam.
"Malapit na pong matapos ma" sagot ko.
"You look really beautiful anak. I was not saying this dahil anak kita. Totoong maganda ka. Lalo na ang kalooban mo. We're so lucky to have you and Red was the luckiest man because you're going to be his wife----and you're lucky to have him. He's nice anak" humalik pa ito sa pisngi ko pagkasabi non.
Lucky nga ba ma?
Ngayon palang natatakot na ako.
Pero aaminin kong may konting saya akong nadarama.
Dahil ikakasal ako sa taong minamahal ko.
Mabilis ang mga pangyayari na minahal ko siya agad.
Ganon yata talaga, may taong darating sa buhay mo na mare-realize mo agad na siya na kahit hindi mo pa siya lubusang kilala.
Na kahit alam mong susuungin mo ang isang mundong walang kasiguruhan ay tutuloy ka parin dahil alam mong kasama mo siya.
Sana lang...wala akong pagsisihan sa gagawin ko.
"Yes ma----I'm lucky. I'm lucky that I have you" yon nalang ang naisagot ko.
"Kami din nak. Sige na, maiwan na kita at ng makatapos ka na sa pag aayos. Paniguradong any moment ay nasa church na sila Red at ang mga tita Catherine mo. See you later anak" pagpapaalam nito bago ako tuluyang iniwan sa kwarto ko.
Napabuntunghininga ako pagka aalis ni mama.
Kung wala lang akong pagtingin kay Red, baka umatras na ako sa kasal.
At kung hindi ko lang mahal na mahal ang mga magulang ko, baka hindi ako sumang ayon sa gusto nilang mangyari.
Ang hirap pala ng ganito.
Magpapakasal ako sa taong palihim kong minamahal pero ang tingin niya sa akin ay gold digger.
Mukang pera
Materyosa
Manggagamit
Nang makatapos ang bakla na ayusan ako ay iniwan niya ako pansamantala sa kwarto ko.
At siya namang pagpasok ni Fe.
Ang aking bridesmaid.
"Ang pretty naman this girl" papuri nito.
"Ikaw din naman. Ang ganda mo sa damit mo" balik papuri ko.
"Salamat. Pero mas maganda ka sana kung nakangiti ka friend" sabi nito.
Ngumiti ako "Ok na ba ang ganito" sabi ko.
"Nakangiti nga ang mga labi mo. Pero hindi ang mata mo. At alam kong may problema. Simula pa noong party----tama ba?"
Yumuko ako dahil hindi ko kayang magsinungaling. Kilalang kilala nila ako lalo na si Fe na kahit yata anong gawin ko ay alam niya kung nagsasabi ako ng totoo o hindi.
"Bakit ka magpapakasal kung labag sa loob mo?" lumapit ito sa akin at naupo sa silyang nasa harapan ko.
"Ayaw kong suwayin sila mama at Papa Fe. Ito lang ang magagawa ko para hindi na nila ako alalahanin pa" sagot ko.
"Pero ako ang mag aalala sayo. Alam kong nahihirapan ka na ngayon palang" ramdam ko kung gaano ako kamahal no fe at laking pasalamat ko dahil naging mag kaibigan kami.
"Kaya ko to. Ako pa ba" pagbibigay ko ng assurance dito.
"Mahal mo na talaga siya ano?" dugtong nito.
Tumango lang ako bilang tugon.
"Well----isa lang siguro ang mahihiling ko. Sana----sana mahalin ka din niya katulad ng pagmamahal mo sa kaniya. At sana maging masaya ka friend. Nakakalungkot dahil magkaka hiwalay na tayo. Pero don't worry, dadalawin naman kita palagi sa magiging bagong bahay mo"
"Aasahan ko yan ha" sabi ko bago ako yumakap dito.
"After ng wedding siya na yayakap sayo" panunukso nito.
Tssssk. Malabo yon.
Kung alam mo lang Fe na galit sakin yon.
Baka nga nasusuklam pa dahil matatali na siya sakin at hindi niya na mababalikan ang girlfriend niya.
"Anak, Fe. Tara na" sigaw ni mama mula sa baba.
"Ready?" tanong pa nito.
"I am" sagot ko saka kinuha ang bouquet.
To be continued...

BINABASA MO ANG
SPARKS from RED
Fiksi PenggemarWAGAS na pagmamahal? Meron pa nga ba nito? Kayo ba? Naranasan niyo na bang mahalin ng WAGAS o nagmahal na ba kayo ng WAGAS ?