Naging madalas ang pagbisita nila tita Catherine sa bahay. Minsan nga lang ay hindi kasama si Red bagay na ikinalungkot ko.Aaminin ko...nahulog agad ang loob ko sa kaniya kahit ngayon lang ulit kami nagkita.
Nagsasalita naman ito kung kinakailangan o kung kinakausap pero hindi makwento.
Nung minsang dumalaw muli sila tita Catherine at kasama ito ay laking tuwa ko na napansin ni mama.
"Mukang masaya ang dalaga ko ah" pagpuna nito nang nasa kusina kaming dalawa.
"Po" Wala akong maisagot kay mama ng sandaling yon. Ganon ba ako ka obvious.
"Ok lang anak, naiintindihan ko. Dahil kay Red di ba?" Patanong na sabi nito.
Napayuko ako dahil totoo ang sinabi nito.
Simula ng makaharap ko si Red ay naging masayahin ako. Naging magaan ang pakiramdam ko.
Parang naging makulay ang mundo ko"Ang anak ko, nagmamahal na" sabi nito saka ako niyakap.
"Ma, hindi ka ba galit?" tanong ko dito.
"Bakit naman ako magagalit. Normal lang naman na magmahal ka. At mas ok sa kin dahil kay Red mo naramdaman yon" sagot nitong nakangiti.
"Kaso ma, ako lang naman ang may gusto sa kanya. Halata namang wala siyang gusto sakin" nakangusong sabi ko.
"Sa umpisa lang yan anak. Pasasaan ba't mamahalin ka din niya" nagdulot sa akin ng maliit na pag asa ang tinuran ni mama.
Sana nga ma...Sana nga!
"Mukhang seryoso ang pinag uusapan ng mga mahal ko ah" si Papa.
"Itong dalaga natin. May bumihag na sa puso niya" pagbibiro ni mama.
"Hindi ko na itatanong kung sino. Alam ko naman na si Red yon. Tama ba anak?" tanong sa kin ni papa.
"Eh pa, kahit naman gusto ko siya. Malabo naman na maging kami. Obvious naman na hindi niya ako gusto" sagot ko dito.
"Alam mo nak. Ganyan din kami ng mama mo noon. Hindi niya ako gusto dahil iba ang mahal niya. Pero kami ang ikinasal dahil ako ng gusto ng mga lola mo. Pero tingnan mo kami ngayon di ba. Masasabi mo bang ako lang ang nagmamahal noon. Ang pag ibig anak, minsan hindi mo agad mararamdaman. Minsan, natututunan din yan paglipas ng panahon" payo ni papa.
Pwede nga kaya...pwede nga ba akong matututunang mahalin ni Red.
"Hello tita, tito" Si Fe kasunod si nanay Pinang.
"Oh Fe. Buti nandito ka ngayon. Kamusta ang trabaho?" tanong ni mama.
"Ok naman po tita. Sino po yung mga nasa sala" usisa nito.
"Ah kaibigan nang pamilya. Hayaan mo at Ipapakilala kita mamaya bago kumain" sagot ni mama.
Iniwan kami ni Fe nina mama at Papa sa kusina.
"Hoy, sino yung gwapo sa sala?" Pasimpleng tanong nito.
"Si Red. Kababata ko" nakangiting sagot ko.
"Hmmm parang iba ang ngiti natin ah. Type mo no" kumindat kindat pa ito.
"Obvious ba ako masyado?" Paglilinaw ko.
"Medyo lang. Eh kasi naman, iba ang ngiti mo ngayon. Saka parang nag bloom ka. Mahal mo na siguro no" muling usisa nito.
"Siguro Fe. Hindi na kasi siya nawala sa isip ko simula ng magkita kami ulit eh" sumandal ako sa gilid ng lamesa at inimagine ang muka ni Red.
"Sabagay. Sa gwapo non, imposibleng hindi ka ma inlove. Saka in fairness, bagay kayo" saka ito yumakap sa akin.
"Kaya lang Fe, muka namang walang gusto sakin eh. Kibuin nga ako at hindi. Siguro may girlfriend na yon kaya ganon" nalungkot ako sa naisip ko.
"Suko ka na agad. Wala pa nga eh. Malay mo naman. Eh teka----magtatagal ba sila dito?"
"Hindi ko alam. Kung aalis sila agad. Eh di Suko na. May magagawa pa ba ako" Suko na nga ako kahit wala pa. Imposible naman kasi na magustuhan ako non. Saka kung aalis nga sila, hindi ko naman siya pwedeng pigilan.
"Hay pag ibig nga naman. Ano ba yan----pinagtagpo pero hindi nakalaan? " buntunghiningang sabi ni Fe.
"Talaga sigurong ganon. Nagmahal agad ako sa taong hindi naman siguro para sakin. Hay tama na nga. Bakit ba iniisip ko yon? Sanay naman ako ng walang boyfriend since birth di ba?" Pilit kong pinagaan ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko kasi naninikip ang dibdib ko.
Nasasaktan kahit hindi pa man...
Talo na agad...
To be continued...

BINABASA MO ANG
SPARKS from RED
FanfictionWAGAS na pagmamahal? Meron pa nga ba nito? Kayo ba? Naranasan niyo na bang mahalin ng WAGAS o nagmahal na ba kayo ng WAGAS ?