SR : part 59

2.7K 186 41
                                    


Days after

"Pa, nasa baba sina Catherine at Kenzo, kasama din si Red" pagbigay alam ni mama kay Papa  habang pinagmamasdan si Hope na natutulog sa crib.

Tumingin ako sa mga magulang ko pero hindi ako nagsalita. After kong makaligtas sa muntik ko nang kamatayan ay nalaman kong tinawagan nila mama at papa sila daddy Kenzo upang ipaalam na nanganak ako. 

They don't know nothing about me and Red, sa palagay ko. Dahil kung alam nila, sigurado akong kakausapin nila ako or uuwi sila sa Pinas. 

At ngayong nandito na sila, hindi ko alam kung ano ang mangyayari once na malaman nilang Red and I are living separately.

"Sige----susunod na ko" tugon ni papa "Hopie bababa lang si Papi.

They called her Hopie...si mama ang nakaisip non at si Fe.

Hinagod ni papa ang buhok ko bago ito bumaba.

We already talked, just me and my parents. About the past, about our present situation.

Nasa hospital pa ako nang malaman ko ang lahat ng nangyari. Base narin sa kwento ni Fe.

He never stops crying habang yakap kaniya. He even told you na mahal ka niya many times. He asked for forgiveness and chances to make it up to you and kay Hope. I don't know kung nadinig mo yon. Pero naniniwala ako Adel na tumibok muli ang puso mo dahil naramdaman mo ang pagmamahal ni Red. Alam kong marami siyang kasalanan sayo, pero everyone deserves a second chance naman di ba.

Hindi naman ako nagtanim ng galit sa kaniya Fe. Nasaktan niya ko. Pero hindi kaya ng puso ko na magalit sa kaniya. Kilala mo naman ako di ba, never akong nagtanim ng galit kahit kanino. Dahil utang ko sa Diyos ang lahat lahat---ilang beses niya na akong binigyan ng chance para mabuhay. And this is the third one. At wala ako sa position para hindi magpatawad. Pero hindi ko pa kayang makaharap siya----I mean makipag usap sa kaniya. Okay na muna siguro yung ganito---casual lang kami sa isa't isa para kay Hope"

Naiintindihan ko. At alam ko pati si Red. Sila tito at tita. Pero masaya ako kasi kasama ka parin namin. Lalo na si Hope.

I'm lucky right" sabi ko.

You were blessed Adel. Alam mo kung bakit, mahina ang puso mo pero puno ng pagmamahal. At iyon ang lakas mo.Paano pa kaya kung wala kang diperensya di ba. Baka na bago mo na ang mundo dahil sa busilak yang puso mo"

Exaggerated naman yon" nakangiting sabi ko dito.

I'm just stating what's clearly obvious. Hindi ka namin isusuko. Kasama na ang mag ama mo. At alam ko, hindi ka na bibigyan pa ni Lord ng ganitong pagsubok. Dahil nakita niya kung gaano ka namin kamahal. Lalo na yung taong mahal mo...sa huli saka mo pa malalaman na matagal ka na niya palang mahal"

Pero si Ven" sabi ko.

At ang tungkol don, he admitted everything. Hindi lang sa akin kundi sa mga magulang mo. Matagal na silang hiwalay. And that day, nung sinabi mo sakin na nakita mo sila ni Ven na magkayakap, that very same day ay nagkaroon na sila ng final closure. Ven is getting married"

Natigilan ako sa nalaman ko ng oras na yon. So mali pala ang akala ko.

Pero ika nga, all happened for a reason di ba. Tingnan mo ngayon, nalaman mo na mahal ka din pala niya. It's not an unrequited love Adel. Dahil noon pa man, mahal niyo na ang isa't isa. Ang kailangan niyong dalawa...second chance. Hindi pa huli para sa happy ending niyo. Hindi pa huli para maging masaya ka.

Salamat sa lahat Fe" naiiyak na sabi ko.

You're always welcome friend" sagot nito saka ako niyakap ng mahigpit.

Second chance...usal ko.

To be continued...

Malapit na ba ang "happy ending"?




SPARKS from RED  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon