Malungkot ang pakiramdam ko!
Parang may kulang
Aaminin ko na...hindi kasi siya pupunta ngayon.
Nasanay na kasi akong araw araw siyang nagpupunta sa bahay.
Kasabay kumain.
Kasabay matulog minsan.
Tapos ngayon...
"Anak, para lang hilo diyan
Bakit ba hindi ka mapakali? " si Papa.
"Eh pano, ang dinig ko eh hindi makakapunta ngayon si Red dahil may kikitain yatang tao. Kaya hayan, parang manok na din maitlog" sagot ni mama.
"Ma!"
"Nagsasabi lang ng totoo. Ang babae, pag hindi mapakali, isa lang ibig sabihin niyan, in love"
Napa simangot nalang ako.
Masyado ba kong obvious?
"Hindi nakasagot pa. In love nga"
Maagang nakatulog si Hopie ng gabing yon kaya sinabayan ko na. Baka kasi kung kailan madaling araw saka na naman nito maisipan na makipag kwentuhan.
Wala pa naman si Red ngayon.
Hay Red na naman
Hindi ko na siya itinabi muli sa kama ko. Baka nga makasanayan niya. Maging problema pa paglaki.
-
"Oh Red. Bakit dumaan ka pa? Late na" Si mama Lorma.
"Sorry ma. Hindi ko matiis na hindi makasama ang mag ina ko" napapakamot pa ako sa ulo.
"Kumain ka na ba?"
"Opo ma. Pasensya na po kung na abala ko ang tulog niyo"
"Okay lang. O sige pumanik ka na"
Nag diretso na ako sa kwarto ng mag ina ko. Pasado alas dose y medya na pala ng tingnan ko sa relo na suot ko.
Dahan dahan lang ang bawat galaw ko dahil baka magising pa sila.
Una kong sinilip si Hopie. Tulog na tulog ito.
Sumunod kong nilapitan si Honey.
Mahimbing din ang tulog nito.
Nagtanggal lang ako sapatos at medyas, pati na ang long-sleeved na suot ko saka belt.
Gusto ko sana mag half bath man lang pero pagod na pagod ang pakiramdam ko.
I had two meetings this day para makipag close deal. Isa kami sa napili nilang maging distributor ng mga products nang company namin. Then after that, nag tuloy pa ako sa resto para tingnan kung maayos naman ang lahat. I've also checked the sales.
Kay Adel ako tumabi para matulog.
Pero bago pa ako makaayos ng higa ay nagising ito.
"Red!"
"I'm sorry honey. I woke you up"
"It's okay. Pero bakit nagpunta ka pa dito. Late na"
"Mis ko na agad kayo eh. Maaga nalang akong aalis bukas. Wala akong damit na isusuot papunta sa trabaho"
"May damit ka dito. Naiwan mo minsan. Iyon nalang ang isuot mo bukas. Kumain ka na ba"
"Oo. Dumaan ako sa resto kaya doon narin ako kumain"
"Tired?" tanong pa muli nito.
"It's okay. Makita ko lang kayo ni baby, okay na ko"
Tinaasan lang ako ng kilay.
"Magpalit ka ng damit. Maghapon mo ng suot yan"
"Wala akong dala"
"Eh di ano pa. Eh di damit ko ulit. Tumayo ka na diyan at magbihis para makapag pahinga ka na"
Pumasok ako sa banyo saka nagpalit ng damit.
Parang mas gusto ko pang isuot ang mga damit ni Honey. Pakiramdam ko, yakap niya ko.
"May paracetamol ka ba Honey"
"Bakit. May sakit ka?"
"No. Just headache"
"Meron. Sandali lang, kukuha ako sa baba"
Makalipas lang ang ilang minuto ay bumalik na ito. Dala ang tubig at gamot.
"Sobrang sakit ba?"
"Medyo. Tulog ka na" sabi ko.
"Mamaya na. Nawala na yung antok ko. Come" hinila niya ako pahiga sa hita niya.
"Anong gagawin mo?"nagtataka pang tanong ko.
"Just sleep. Ima-massage lang kita para mawala ang sakit ng ulo mo. Ganito ang ginagawa ni mama kay Papa. Malay mo, effective din sayo"
Kinuha ko ang kamay nito saka dinala sa labi ko.
"Salamat honey"
Ngumiti naman ito ng pagka tamis tamis.
"Sige na. Matulog ka na"
Pumikit nga ako habang patuloy siya sa pag massage sa ulo ko.
And I guess she's right, parang nababawasan ang pananakit ng ulo ko.
Hanggang sa tuluyan na akong hilahin ng mga mata ko sa pagtulog.
To be continued...
BINABASA MO ANG
SPARKS from RED
FanficWAGAS na pagmamahal? Meron pa nga ba nito? Kayo ba? Naranasan niyo na bang mahalin ng WAGAS o nagmahal na ba kayo ng WAGAS ?
