RedHello - sagot nito
Ahm hi! K-kamusta ka na? - me
Okay lang - Adel
Si Hope. Tulog ba? - me
Oo - adel
Can I ----can I visit you tomorrow? - me
May work ka di ba - adel
I mean---after work. Pwede ba akong pumunta diyan - me
Okay lang - Adel
Thanks and Ahm I---- I----take care. See you tomorrow - me
Sige - Adel
Saka nito pinatay ang tawag ko.
I wanted to say I love you. Pero parang ayaw lumabas ng mga yon sa bibig ko. Nakaramdam ako ng takot. Ng hiya. Paano kung hindi siya maniwala?
Gusto ko sana ngayong gabi pumunta sa kanila pero hindi ko kaya dahil nahihiya parin ako sa nangyaring pag uusap namin nina mama Lorma at Papa Henry.
Pinatawad nila ako sa mga nagawa ko. Pero hindi pa kay Adel na mismong nagawan ko ng kasalanan. At gagawin ko ang lahat, mapatawad niya lang ako.
Kung kailangan kong ligawan ang mag ina ko, gagawin ko.
Hindi ko kayang wala sila sa buhay ko.
-
"Good evening po" bati ko kay nanay Pinang nang pagbuksan niya ako ng pinto.
"Magandang gabi din iho, tuloy ka----Lorma, Henry----nandito si Red"
Maya maya ay lumabas mula sa kusina sina mama Lorma. Kasunod si Papa Henry at Fe. Pero wala si Adel.
Sa tuwing nakikita ko sila mama Lorma at papa Henry ay nakakaramdam ako ng takot.
Napatawad na nila ako pero hindi ko parin maalis sa isip ko na anytime, pwede paring magbago ang isip nila. Na anytime, hindi na nila ako payagan pang bumalik sa bahay nila upang madalaw ang mag ina ko.
"Gu-good evening po"
"Tumuloy ka" ang sagot sa akin ni papa Henry.
May binili akong pagkain para sa kanila. In case na hindi pa sila naghahapunan. Mga prutas para kay Adel at mga gamit ni baby.
Bago ako makaupo sa sofa ay iniabot ko ang mga dala ko.
"Ahm para po sa inyo" kay mama Lorma ko ito inabot.
"Ikaw na magbigay niyan kay Adel at yung para kay Hope" kinuha nito ang dala kong pagkain at iniwanan ang para sa magiging ina ko.
"Maghapunan muna tayo, mamaya mo na akyatin ang mag ina. Tapos nang kumain si adel" pahabol ni mama Lorma.
It really feels so awkward. Dati rati ay magiliw ang mga ito sakin. Pero kasalanan ko naman kung bakit, pero mahirap pala.
Para akong nangangapa.
Takot nang magkamali. Takot magsalita.
Sumunod na lamang ako sa kusina para kumain kasalo sila.
Pero hindi ko inaasahan na darating din pala sina mom at dad.
Kahit papano, ang pakiramdam ko ay may kakampi pa naman ako. Yes their mad at me at may conditions sila.
Kailangan akong mapatawad ni Adel para makabalik muli ako sa buhay niya at ni Hope. Kailangan din na bago mag one year old si Hope, o matapos mag celebrate ay maibalik ko na ang mag ina ko sa mismong bahay namin. Then, saka lang nila ako totally mapapatawad.
Tahimik lang silang nag uusap at nakikinig lamang ako.
Binilisan ko ang pagkain dahil gustong gusto ko nang makita muli ang mag ina ko.
"Ahm mama Lorma, pwede ko na po bang makita ang mag ina ko" tanong ko dito.
"Sige---nasa room sila ni Hope" sagot nito.
Nagpaalam muna ako sa mga ito bago ko sila iwanan sa hapag kainan.
Lorma
"Anong plano ni Red?" tanong ko nina Kenzo at Catherine habang nasa sala kami.
"Well----I gave him conditions. Kailangan mapatawad siya ni Adel para makasama niya ang mag ina niya, then, kailangan bago dumating ang one year birthday celebration ni Hope, okay na sila. Para naman pwede niya nang iuwi sa bahay nila si Hope" sagot ni Catherine.
"Walang problema samin yon, si Adel na ang mag de-decide non" sabi ni Henry.
"Alam kong hindi magiging madali para kay Red ang lahat, pero kailangan niyang paghirapan na makuha ang loob ni Adel. Alam kong mahirap ang pinagdaanan niya sa anak ko,,at sa tuwing naiisip ko yon, ako ang nahihiya sa inyo Lorma, Henry. Kaya paulit ulit kaming hiningi ng tawad ni Kenzo sa inyo" Si Catherine.
"Nakalipas na yon Catherine. May apo na tayo na mas kailangan ang atensyon natin" sagot ni Lorma.
"I'm hoping for their happiness Lorma. Yun lang ang tanging hiling ko, then, saka lang kami matatahimik" Si Catherine.
"We're wishing the same thing Catherine. At kilala ko ang anak ko, she'll get mad pero she knows how to forgive. At mahal niya si Red. Maybe, kailangan lang nila ng time"
To be continued...

BINABASA MO ANG
SPARKS from RED
FanfictionWAGAS na pagmamahal? Meron pa nga ba nito? Kayo ba? Naranasan niyo na bang mahalin ng WAGAS o nagmahal na ba kayo ng WAGAS ?