"We've almost lost her nang ipanganak niya si Hope" pag sasaad ni Lorma ng mga nangyari.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Catherine
"Namatay siya Catherine, Kenzo. At ng oras na yon, nawalan din ako ng malay. Si Fe lang ang nagsabi sa akin na posibleng si Red ang dahilan kaya nabuhay muli di Adel. Kaya lumaban ito sa kamatayan" dagdag nito
"Oh God. Pero bakit hindi ipinaalam sa amin ni Red. Pati ang pag bubuntis niya" tanong ni Catherine.
"Pwedeng natatakot siya. Umalis si Adel sa bahay nila ni Red, she's tree weeks pregnant noon. Nakita niyang may kasamang babae si Red. I heard Ven ang pangalan"
"Si Ven. Nagpunta siya dito" gulat na tanong ni Kenzo.
"Yun ang alam ko. Pero nakipag hiwalay daw ito kaya nakipag kita kay Red pero mali ang naging interpretation ng anak ko. Hindi ko naman siya masisisi, hindi siya tinrato ng tama ni Red. Kaya maiisip talaga niyang hindi siya kayang mahalin ni Red. Kaya nag decide nalang siyang lumayo. For her lalo na kay Hope"
"We're so sorry Lorma, Henry. I thought okay ang lahat pero mali pala kami" Si Catherine.
"Si Adel ang mas naapektuhan kaya hanggat maaari, ayaw ko munang madaliin ang lahat para sa kanila ni Red. She needs time"
"We understand Lorma. Kami na ang bahalang kumausap kay Red"
-
Adel
"Nakausap na namin si Red, pati sina Kenzo at Catherine" sabi ni mama ng gabing yon.
"Ano pong napag usapan niyo?" Tanong ko dito habang nasa bisig ko ang anak ko na mahimbing na natutulog.
"Well----akala ko nung una hindi siya aaminin sa ginawa niya sayo. Akala ko ikakaila niya pero bago pa man kami makapag usap, he admitted it. At dagdag pa don, inamin niya na inisip niyang nagpakasal ka sa kaniya dahil sa pera"
"Ano po?" medyo nagulat ako sa rebelasyong yon.
"Kahit kami nagulat. Pati ang mga magulang niya. Galit na galit ang papa mo noong una, pero naintindihan din naman niya sa huli lalo na nung walang tigil sa paghingi ng tawad ang asawa mo, pati ang mga tita Catherine mo ay panay ang hingi ng sorry sa nagawa ni Red. Nasaktan din ni Kenzo si Red dahil don"
"Ano pong nangyari?"
"Sinuntok siya ni Kenzo. He deserves it anak. Pero ikaw ang tatanungin namin, sa amin, nakahingi na siya ng tawad. Galit man kami pero sino ba naman kami para hindi magpatawad di ba. At hindi na sila iba samin ng Papa mo. Ikaw na ang bahala ng mag desisyon anak. Naiintindihan namin ang pinag daanan mo. Pero ngayon kasi, nandiyan na si Hope"
"I understand ma"
"May decision ka na ba anak?"
"Hindi ko pa po alam ma. Mahirap din naman po kasi kung babalik kami agad ni Hope sa kaniya kung may takot parin ako. I already forgive him ma, noon pa. I never get mad, kahit noong sinaktan niya ako"
"Because you love him"
"I won't lie ma, I still love him and I never hate him. I know, nagawa niya yon dahil may reason siya. Unacceptable yung reason niya about money pero tapos na yon eh. We have to move on. May anak na kami. Kung gusto niyang bumalik sa buhay namin, kailangan niyang patunayan na nagbago na siya. Na nagsisisi na talaga siya sa nagawa niya. I'm not thinking about my happiness ma, si Hope nalang ang iniisip ko"
"You deserve to be happy anak. At alam ko, makakamit mo yon one of this days" nakangiting sambit nito bago niya kami iniwan ni Hope sa kwarto.
Natatakot parin ako. Pero walang mangyayari kung iyon ang paiiralin ko. At tama sila mama at Fe. All we need is second chance. At hindi ko yon ipagdadamot kay Red. Kailangan din siya ni Hope more than I need him.
Phone call...
Si Red
Hello - sagot ko
Ahm hi! K-kamusta ka na? - Red
Okay lang - me
Si Hope. Tulog ba? - Red
Oo - me
Can I ----can I visit you tomorrow? - Red
May work ka di ba - me
I mean---after work. Pwede ba akong pumunta diyan - Red
Okay lang - me
Thanks and Ahm I---- I----take care. See you tomorrow - Red
Sige - me
Then I pressed the end call button.
Handa na ba talaga akong papasukin siya muli sa buhay namin ni Hope pagkatapos ng lahat?
To be continued...
The prettiest smile hide the deepest secrets..
The pretties smile have cried the most tears...
And the kindest heart have felt the most pain...
BINABASA MO ANG
SPARKS from RED
FanficWAGAS na pagmamahal? Meron pa nga ba nito? Kayo ba? Naranasan niyo na bang mahalin ng WAGAS o nagmahal na ba kayo ng WAGAS ?
