SR : part 27

2K 156 37
                                    


Weekend...and as always. Nagsimba ulit ako mag isa.

At pinagdasal ang kapalaran ko sa Panginoon. Baka nga nalukulitan na siya sakin dahil tuwing linggo ay paulit ulit ko yong dinarasal sa kaniya.

Pauwi ay nakita kong may kotseng naka himpil sa tapat ng bahay namin ni Red.

Nagtaka ako kung sino ang bisita niya o namin ng araw na yon.

Pagpasok ko ay nasa sala na sila mommy Catherine at Daddy Kenzo.

"Iha----finally. We missed you iha" masayang bati sa akin ni mommy Catherine. Yumakap ito sa akin kasunod ay si Daddy Kenzo.

"K-kamusta po. Bakit di po kayo nagsabi na darating kayo. Sana po nakapag luto man lang ako" nahihiyang sabi ko.

Nahihiya at natatakot.

Paano kung malaman nila ang totoong nangyayari sa amin ni Red.

"It won't be surprised if we told you. And it's ok iha. Sa labas tayo kakain" nakangiting paring sagot ni mommy Catherine.

"How's everything daughter" tanong sa akin ni daddy Kenzo.

"O-okay naman po. Medyo nakakapanibago pero nakakapag adjust naman po" alanganing sagot ko.

"Hi honey. Your late" biglang bati sa akin ni Red na nakangiti.

Lumapit pa ito sa akin at humalik sa pisngi ko.

"Sa labas tayo mag di-dinner mamaya so get ready" sabi nito.

"Aalis muna kami. Dadalawin namin ang parents mo Adel but we will come back before noon, we're going to invite them to join us later, magkita nalang siguro tayo sa resto-----right Red?" Si daddy Kenzo.

"Yeah sure" sagot ni Red bago yumakap sa mga ito.

"We'll see you later anak" sabi ni mommy Catherine na nakatingin sa akin.

"And oh by the way ----we'll sleep over here. Malayo yung ancestral house natin dito" sabi ni daddy Kenzo.

Patay...

"Sige mom, dad" sagot ni Red.

Nang makaalis na ang mga ito ay saka ako hinarap ni Red.

"Vacant your room. Put all your things inside my cabinet and don't leave anything----understand" utos nito.

"Sa-saan ako matutulog?" Kinakabahang tanong ko.

"In my room dammit. This is what you want right. So play with it----at wag na wag kang magkaka maling magsabi ng totoo or else---" tumiim pa ang bagang nito.

Yumuko na lamang ako saka nag tuloy sa kwarto ko. Sinamsam ko lahat ang gamit ko mula sa kwarto,  kama, hanggang banyo. Hindi sila dapat makahalata na may mali sila pagsasama namin.

Ginusto ko to. Pangangatawan ko.

At nang bandang alas syete ng gabi ay umalis na kami ni Red sa bahay sakay ng kotse niya. Magkikita nalang kami nila mommy Catherine at daddy Kenzo sa isang resto.

At iyon ay sa resto niya Red.

Na first ko palang makikita kung hindi pa umuwi ang mga in laws ko.

"Hi son, hi daughter" bati agad nito daddy Kenzo ng makita niya kami papasok ng resto.

"Hi po, kanina pa po ba kayo?" tanong ko saka naupo sa tabi ni mama at Papa.

"No----ahead lang kami ng ilang minuto sa inyo. Let's go, let's eat-----Red, serve us the very best" nakangiting request ni mommy Catherine.

Tinawag ni Red ang isa sa mga tauhan niya at inutos dito na I serve ang best seller nila.

"How are you anak?" Tanong ni mama.

"We're ok ma. Kayo po, kamusta naman sa bahay. Si nanay at Fe kamusta sila?" balik tanong ko.

"Ayon, mis ka na din nila" sagot naman nito.

"Here's your food sir" sabi ng waitress kasunod ang iba pa na dala ang maraming klase ng pagkain.

Habang kumakain kami ay ginawa niyang muli ang part niya bilang isang totoo at mapagmahal na asawa sa akin .

Inaasikaso niya ako bagay na ikinatuwa ng mga in laws ko.

"Who would have thought na magiging ok naman pala ang pagsasama niyo. I mean, you didn't knew each other well pero look----you look happy together. Bagay na bagay talaga kayo" Gusto kong masamid sa komento ni mommy Catherine.

"And I know, your parents are happy too. Knowing na napabuti ka sa piling ni Red. Hindi sila nagkamali na sumang ayon na ipakasal kayo" Si daddy Kenzo.

Kung alam niyo lamang po ang totoo...

To be continued...

SPARKS from RED  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon