AdelDumating ng hapong iyon sina tita Catherine at tito Kenzo. Kasama si Red na matiim ang tinging pinupukol sa akin.
Bagay na hindi ko maintindihan lung bakit.
Kung may nagawa ba ako para titigan niya ako ng ganon.
Tila ba galit ito.
Kinausap ako ni mom sa kwarto. Si dad ang naunang humarap kina tita Catherine.
"Anak. May sasabihin sana ako sayo. Pero wag kang magagalit. Lalo na ang mabigla. Baka kasi mapano ang puso mo" nag aalalang sabi nito.
"Ok na ang puso ko ma di ba. Ano ba yong sasabihin mo ma? Mukang serious ah" seryoso akong tumingin sa mga mata nito.
"Anak-----gusto kasi namin ng Papa mo at ng pamilya ni Red na kayo ang magkatuluyan" sagot nito.
"Po?" Kumunot ang noo ko sa sinabi nito dahil hindi ko maintindihan ang ibig nitong ipahiwatig.
"Gusto namin anak na maikasal kayo ni Red sa lalong madaling panahon" walang anong sabi nito.
"Kasal?" Oo at gusto ko si Red pero kasal....agad agad.
"Oo anak. Mga bata palang kayo. Napagkasunduan na namin ng nga tita Catherine mo na pag nasa tamang edad na kayo, gusto namin na kayo ang magkatuluyan. Gusto namin na mapunta ka sa mabuting lalaki. Isa pa ay kilala namin ang pamilya ni Red kaya alam naming hindi ka mapapahamak" paliwanag ni mama.
Natahimik ako sa rebelasyong pinagtapat ni mama.
So all this years...itinakda na pala nila ang magiging buhay ko sa piling ni Red.
Gusto ko siya Oo. ..pero paano kung mali sila.
Paano kung hindi pala ako mapabuti sa piling nito.
"Anak" mahinang tawag ni mama "Ok ka lang?" Nag aalalang tanong nito.
Tumango ako.
Gusto kong tumutol pero hindi ko kayang biguin ang mga magulang ko.
Ang dami na nilang sakripisyo para sa akin.
Mula pa nung pagkabata ko. Lalo na nung mag kasakit ako.
Ano na nga lang ba yung konting sakripisyo na tatanggapin ko kapalit naman ay ang kasiyahan nila.
Ang kapanatagan ng loob nila.
Alanganin man ay sumang ayon sa gusto nila.
Para sa kanila kaya gagawin ko ito.
Para narin sa puso kong nagmamahal kay Red.
Kahit pa walang kasiguruhan na mamahalin niya din ako pabalik.
Sa sala ay napag usapan na nga ang tungkol sa pagpapakasal namin ni Red.
Tahimik lang ito at hindi ko nga alam kung nakikinig ba ito sa pinag uusapan ng mga magulang namin.
Madalas ko itong mahuling matalim na nakatingin sa akin. Bagay na nagdulot sa akin ng kaunting takot.
"Red, magsalita ka naman" Si tita Catherine.
"What do you want me to say mom?" may galit sa tinig nito. Batid ko yon.
"Anything. It's your wedding son" Si tita Catherine.
"Whatever your decision is. Dun na ko" sabi nalang nito.
"Okay----napabuntunghininga si tita Catherine "Sa lalong madaling panahon, mas mainam na maidaos agad ang kasal nila Red at Adel, Henry, Lorma. Bago kami bumalik sa US"
"Sa amin ay walang problema Kenzo, Catherine. Ano mang oras eh handa kaming makasal ang dalawa" sabi ni papa.
"Good----makakaalis kami na walang iniintindi. Si Red lang talaga ang iniisip namin ni Catherine. And now that he's going to marry Adel, mapapanatag kami sa US dahil alam kong babantayan niyo naman sila" Si tito Kenzo.
"Mukang ok naman na ang lahat. Ok naman din ang dalawa. Siguro I set na natin kung kailan ang petsa ng kasal at iba pang detalye" Si tita Catherine.
"Maybe we can go on a date ni Adel" biglang nagsalita si Red na ikinagulat ko.
Date
Eh never ko pang na experience yon.
Ano kaya pakiramdam ng nag de-date?
Siguro masaya!
Masaya kung buo sa loob ng taong kasama mo na ikaw ang ka date niya.
Hindi ko alam kung ano ang iniisip ni Red ng oras na yon. Pero base sa nakikita ko, may gusto itong sabihin na gusto niyang ako lang ang makarinig.
To be continued...

BINABASA MO ANG
SPARKS from RED
FanfictionWAGAS na pagmamahal? Meron pa nga ba nito? Kayo ba? Naranasan niyo na bang mahalin ng WAGAS o nagmahal na ba kayo ng WAGAS ?