"O mag iingat ka dito anak ha. Mag isa palagi" paalala ni mama.
"Red, isipin mo yung sinabi ko kanina ha" paalala naman ni papa kay Red.
"O sige mauna na kami. Baka next month na ulit kami makadalaw anak. Ma mi-mis kita lalo" yumakap pa sakin si mama pagkasabi non.
"Kayo din po. I will miss you too. Ingat po sa byahe" sagot ko naman dito.
"O sige na Lorma at gagabihin na talaga tayo. Love you nak. Mag iingat ka palagi" paalala ni papa sakin "Red" tumingin ito kay Red na tinanguan naman nito.
"Bye ma, pa. Bye nanay " yumakap din ako kay nanay dahil sa totoo lang ay mis na mis ko na din ito "love you nay" bulong ko.
"Mas mahal kita anak ko" sagot nito na naluluha pa.
Anak din kasi ang tawag niya sakin since siya na nga halos ang nagpalaki sakin.
Sila ang mga taong napakahalaga sa buhay ko na hindi ko kakayanin mawala.
Inihatid namin ni Red ng tanaw ang kotseng sinasakyan nina mama hanggang sa unti unti na itong nawala sa paningin ko.
Bigla akong hinila ni Red papasok ng bahay. Ang higpit ng pagkakahawak nito sa braso ko kaya nasasaktan talaga ako.
Pero hindi ako nagsalita dahil alam kong galit ito.
"Anong ibig sabihin nito?" galit na tanong nito.
"A-ang alin?" nagtatakang tanong ko dito.
"Ang alin? ----so you're playing innocent ha. Alam kong pinapunta mo dito ang mga magulang mo. Para ano? Para masabi mong sinasaktan kita. Na hindi maayos ang pagsasama natin. Na wala akong time para sayo?" his teeth gritted while accusing me.
"Wala naman akong sinabing ganon sa kanila. Sa-saka hindi ko naman alam na ngayon na sila pupunta dito" pagtatanggol ko sa sarili ko.
"So alam mong pupunta sila?-----at gusto mong makaharap nila ako di ba. Para pag sabihan ng dapat kong gawin bilang asawa mo" medyo pasigaw na sabi nito.
"Oo alam kong pupunta sila----pero hindi ko naman alam na ngayon yon" naiiyak na sagot ko dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko "at saka kung alam ko. Hindi ko naman hahayaan na mag abot kayo" tuluyan ng tumulo ang mga luha ko.
Dahil sa sakit dulot ng mahigpit na pagkakahawak niya.
At sakit dahil sa mga paratang niya sakin.
"Bakit ka umiiyak? Nag papaawa ka ba? -----sorry Adel. Hindi yan uubra sakin"
Umiling ako ng sinabi niya yon.
"Next time. Kung pupunta sila dito. Tell me para hindi kami magkita. Gusto mo lang na magpaka asawa ako sayo di ba. Sa harap nila. Gusto mong maging sweet ako sayo. Para saan-----para maging kapani paniwala na nagmamahalan tayo? Oh come on Adel-----alam mong imposibleng mahalin kita. That won't ever happened" huling sinabi nito bago niya ako binitawan.
Tinitigan niya pa ako ng parang napaka sama ko saka ako tuluyang iniwan mag isa sa sala.
Imposibleng mahalin kita
That won't ever happened
Patuloy itong nagpapa ulit ulit sa utak ko.
Mahirap ba akong mahalin Red?....na tanong ko sa sarili ko.
Ayaw tumigil ng mga luha ko at hindi ko alam kung paano ito papatigilin. Tila ba iyon ang karamay ko sa sakit na nararamdaman ko sa piling ni Red.
Ang lalaking minamahal ko pero pagkasuklam ang nararamdaman niya para sakin.
Kailan mo ako matutunang mahalin Red?
Kailan mo ako tatratuhing asawa mo?
Kailan mo ako matatanggap sa buhay mo?
At higit sa lahat...sa puso mo?
To be continued...
Bear all the heartaches and pain...Coz I will give you so many reasons to smile in the end...
BINABASA MO ANG
SPARKS from RED
FanfictionWAGAS na pagmamahal? Meron pa nga ba nito? Kayo ba? Naranasan niyo na bang mahalin ng WAGAS o nagmahal na ba kayo ng WAGAS ?
