SR : part 107

2K 131 28
                                        


I was so nervous kahit hindi naman dapat. I came home at nalaman kong wala sa bahay ang mag ina ko. I tried to call her pero hindi niya ito sinasagot. And I can't wait any longer, we need to talk.

"Good evening po ma"

"Maupo ka Red. May pag uusapan tayo" utos ni papa Henry

Napalunok ako ng makita ko ang hawak hawak nito.

Itak

Pagkaupo ko ay siyang pagbaba ni Adel.

"Honey" Tawag ko.

Lumapit naman ito at naupo sa tabi ko. I grabbed her hand instantly.

I was nervous...Lalo na ang matalim na tingin na pinupukol sa akin ni papa Henry.

"Mag explain ka" utos ni Honey.

Tumango ako.

I cleared my throat bago nagsimula "Ma, Pa, Honey----yung nangyari kanina. I'm really sorry. Gusto ko lang po sanang I-surprise si Adel, I wanted to marry her again. Pero nagkagulo. Si Elizabeth----She's my cousin, for real. I had a talk with uncle Sam, and he told me na hindi niya alam na narito si Elizabeth. Ang paalam daw nito, mag a-out of the country ito with her friends sa Hawaii. And he told me, na may problema kay Elizabeth. But he wasn't sure. When I told him what happened yesterday, he said that he'll come and get her. She's suffering from depression, and I was one of the reason. It's true----mahal ako ni Elizabeth as a man. There's nothing I can do about it. I just let uncle Sam to handle things about her. I'm so sorry honey, if things turn out this way. Ma, Pa, I'm sorry po"

"O siya. Ano pa ba pag uusapan natin.  Basta Red, tandaan mo. Okay lang na mag surprise. Basta walang magiging problema. At hanggang maaari, konting iwas sa mga babae. Yung mga katulad natin, delikado----

"Pa" saway ni Adel.

"Sinasabi ko lang ang totoo. Ang mama mo, ganyan na ganyan din noon. May madikit lang, selos na. Kaya madalas kami mag away. Buti love ko to. Kung hindi----

"Gusto mong sa labas matulog Henry. Kung makapag kwento ka kala mo totoo lahat. Tara na nga. Hayaan mong mag usap yang mag asawa"

Nang makaalis na sila mama at papa ay saka ko hinarap ang asawa ko.

"Honey"

"Bakit ka nandito?" nakasimangot na tanong nito.

"Kasi nandito kayo ni Hopie. Galit ka pa ba?"

"Hindi"

"Hindi? Pero tingnan mo muka mo. Pumapangit kapag galit ka"

"Nang aasar ka ba Red? Kasi kung oo, makakaalis ka na. Wag kang umasang uuwi kami ni Hopie sa bahay"

"Honey naman. Pinapatawa lang kita. Honey----believe me. Si Elizabeth man o kahit sino pang bababe, hinding hindi kita ipagpapalit o lolokohin. It's just you, wala ng iba"

"Eh kung hindi kayo magpinsan at walang sayad yon, sure ako papatulan mo yon. May pa Love you pang nalalaman sa message-----Surprise pa!" Pang iinis nito.

"Malay ko ba.  Sorry na, uwi na kayo bukas ha"

"No"

"Honey naman. Wala naman akong kasalanan ah. Tell me, gagawin ko ang lahat ng gusto mo para lang bumalik kayo sa bahay"

"Lahat?"

"Yes Honey lahat"

"Siiigeeee. Sabi mo yan ah"

"Ano ba ipapagawa mo?" medyo kabado pang tanong ko.

"Hmmmm. Bukas malalaman mo " saka ito ngumisi.

To be continued...

When naughtiness strikes...

SPARKS from RED  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon