Adel"If I know------kaya gustong gusto mong makasal tayo ay para makabalik kayo sa dati niyong pamumuhay di ba"
"Alam kong naghihirap na kayo. Unlike before na may mga negosyo, maraming sasakyan, malaking bahay-----tell me Adel. That's the real reason right? Nasanay ka sa marangyang buhay. Kayo ng pamilya mo. Kaya kami ang nakita niyong dahilan para ma bawi ang lahat ng nawala sa inyo di ba. You're only after money"
Sinampal ko ito dahil sa mga narinig ko.
Mabilis akong lumabas ng kotse nito.
Pilit kong pinigil ang pagdaloy ng mga luha ko.
Pinakalma ko ang sarili ko. Hindi ako pwedeng makita nina mama na umiiyak. Mag aalala ang mga ito. At ayaw ko silang bigyan ng alalahanin pa.
Hindi ko matanggap na ganon pala ang iniisip nito.
Oo, naghirap kami. Nawala ang lahat. At ako ang dahilan.
Pero ni minsan ay hindi ko naisip o ng pamilya ko na manggamit ng ibang tao para lang makamit muli ang maayos na pamumuhay.
Hindi kami materyosong mga tao. Sanay kami sa kung ano man ang meron kami ngayon. Dahil mas mahalaga para sa amin na kumpleto kami. Na masaya kami sa kabila ng simpleng pamumuhay.
Ang sakit na inaakusahan niya akong gold digger.
Lalo na ang mga magulang ko na walang ginawa kundi ang mahalin ako.
Nanginginig ang buong kalamnan ko ng mga oras na yon at para bang ano mang oras ay bibigay ang mga tuhod ko.
Pinilit kong bumalik sa loob sa bakuran namin dahil baka hinahanap na ako nila mama. Baka magtaka ang mga ito dahil sa pagkawala ko.
Hindi pa man ako nakakalayo ay may naramdan akong humawak sa siko ko.
Paglingon ko sa tabi ko ay nandoon si Red na siyang naka alalay sakin.
Piniksi ko ang mga kamay nito na nakahawak sa siko pero hindi niya yon inalis.
"Ano ba?" Medyo nginig ang boses ko nang magsalita ako.
"Alam kong hinahanap na nila tayo. Gusto mo bang magtaka sila na hindi tayo mag kasabay na babalik sa loob. I'm just making it easy for you. Ayaw mong mag backout-----so be it. Let's play your game. Let's play a happy couple in front of everyone, a couple who's ready to get married" sabi nito saka ako hinila pabalik sa loob ng bahay.
Nang makita nila kaming magkasama ay nakangiti silang lahat.
At alam kong iniisip nila na ok kami. Na walang problema sa nalalapit naming pagpapakasal.
Naupo ito sa tabi ko at tinotoo nito ang mga sinabi niya.
He played the sweetest, gentleman, and a very kind fiance.
And everyone who saw us saying "were perfect, we're sweet, a very happy couple" that others envied.
Kung alam lang nila.
Sa likod ng mga ngiti ni Red ay isang mapaglarong lalaki. Magaling mag paikot. Magaling magtago.
At sa likod ng mga ngiti ko ay ang sakit, ang takot na kaka harapin ko sa oras na maganap na ang aming pag iisang dibdib.
Natapos ang party at si Red at ang pamilya nito ang naiwan kasama namin.
"The party was successful" sabi pa ni tito Kenzo.
"Not only that dad----look at them pertaining to us mukang may nagbago di ba. I guess na realize din nila na compatible sila sa isa't isa. They're sweet" medyo kinikilig pang komento ni tita Catherine.
"Yes I can see it. Good job everyone specially you two" sabi ni tito Kenzo saka lumapit sa akin at kay Red.
"I knew this day would happened. You're a perfect couple" sabay tapik sa balikat ni Red at yumakap ito sa akin.
"O paano, mauna na kami Lorma, Henry. Kailangan na nating ayusin ang mga detalye ng kasal" sabi pa ni tita Catherine.
"Oo balae. Excited na nga ako sa kasal nila. Kita nalang tayo bukas" sagot naman ni mama.
Nagpaalaman na ang mga ito at sinadyang iwan ako at si Red.
"Perfect couple. Sweet!------yes we are the perfect couple. And I'm going to prove that to you. And I will let you taste the sweet of my love " bulong nito nagdulot sa akin ng ibayong kaba.
Humalik ito sa buhok ko bago umalis at sumunod kila tita Catherine na nag iintay sa kotse.
Tama ba ang gagawin ko?
To be continued...

BINABASA MO ANG
SPARKS from RED
FanfictionWAGAS na pagmamahal? Meron pa nga ba nito? Kayo ba? Naranasan niyo na bang mahalin ng WAGAS o nagmahal na ba kayo ng WAGAS ?