SR : part 02

2.6K 161 8
                                    

Short update :')

___________

"Ma, sino po itong kasama ko sa picture?" tanong ko minsan habang nagliligpit kami ng mga gamit.

Lumipat na kasi kami ng bahay. Mas maliit kaysa sa nakasanayan ko pero ayos lang. Hindi naman ako maarte sa buhay.

At hindi ko man sabihin, alam kong dahil parin sakin kaya nawala ang bahay namin. Ibinenta na din kasi ito nina mama at Papa.

Kasama parin namin sina nanay Pinang at Fe. Ayaw na namin na mawala pa sila sa buhay namin dahil parte na sila ng pamilya.

"Ahhhh yan ang tita Catherine at tito Kenzo mo. Yung batang kasama niyo, yan si Red. Kababata mo. Pero hindi mo na tiyak matatandaan kasi six years old palang kayo ng huli kayong magkita at magkasama. Simula ng mag migrate sila sa US,  hindi pa sila ulit nakakabalik dito" mahabang sagot ni mama.

Muli kong tinitigan ang picture na hawak ko. Partikular sa batang si Red na kababata ko daw.

Cute ito kahit bata pa. Maputi at matangos ang ilong. May nunal sa kaliwang pisngi. At maliit ang mga labi na kulay pink.

Ay...parang bading

Sabi ko sa sarili ko.

Mas lalaki pa akong tingnan sa kanya.

Muli ko nitong itinago at punagpatuloy ang ginagawa ko. Katulong sina mama at nanay Pinang.

_______

"Nak, natatandaan mo nung tinanong mo sa akin nung isang araw yung tungkol sa tita Catherine mo?"  banggit  ni mama habang kumakain kami ng hapunan.

"Opo ma" maikling tugon ko.

"Nandito na sila" masayang sabi nito.

"Po----paano niyo nalaman?" tanong ko.

"Nung isang araw lang, namili sila sa grocery store natin. Natatandaan niya pa pala yon. Kaya ayon, nagkita kaming muli" sagot nito.

"Hon, bibisita daw sila dito" baling nito kay Papa.

"Abay sige. Nami mis ko na ding ka kwentuhan yong si Kenzo. Ang laki na din siguro ni Red ano?" tanong nito kay mama.

"Sigurado yon. Hindi kasi kasama ni Catherine nung namili siya. Sila lang mag asawa. Sayang nga at wala ka nung dumaan sila" May panghihinayang na kwento ni mama.

"Eh magkikita naman kami dito. Kailan daw sila pupunta?" balik tanong ni papa. Ako naman ay tahimik lang na nakikinig sa usapan nila.

"Tatawag daw sila para alam natin. Na e-excite na akong makausap muli ang pamilyang yon" Hindi maitago ang saya sa muka ni mama ng mga sandaling yon.

At masaya ako dahil nakikita ko ang mga ngiti sa labi nila.

"Are we related to them ma?" pagsingit ko sa usapan nila.

"Hindi anak. Naging magkakaibigan lang kami dahil sa Papa mo. Regular buyer ang tito Kenzo mo sa shop ng Papa mo. Tapos naging close friend sila. Then kami naman ng tita Catherine mo, naging close din ng magkakilala kami. Pareho kasi kami ng hilig. Mahilig kaming magluto kaya nagkasundo kami" pag ku-kwento ni mama na tinanguan ko nalang bilang tugon.

"I'm sure anak. Makakasundo mo mo si Red. Magkababata kaya kayo non" sabi pa ni papa.

Sana nga...cute kasi niya. Kahit parang bading .

Pagpuri ko na may kasamang pangungutya.

Eh sa muka kasi talagang bading...paano gagawin ko.

To be continued...

SPARKS from RED  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon