Unedited...balakayoha
"Kamusta ka na?" Tanong ni Randel ng araw na yon. Almost eleven at noon palang ako mag b-breakfast.
I've waited hanggang sa mawala ang pamumugto ng mga mata ko.
"Okay lang" matipid na sagot ko habang kumakain.
"Liar" sabi nito.
Hindi na ako nag angat pa ng paningin ko dahil sigurado akong nakatingin siya sa kin.
"Is that all you're going to eat?" tanong nito.
"Why? What's wrong?" balik tanong ko.
"Para kang ipis. That's why you're so slim" sabi nito "waiter"
Nag order ito ng kung ano ano na hindi ko naman alam ang iba.
At nang dumating ang in order niya ay nilagyan niya ako sa plato ko ng lahat ng klase.
"Ang dami nito Randel" reklamo ko.
"Eat. You need to eat more so you're not like an ipis" sabi pa nito.
"I'm not an ipis" sagot ko.
"You look like one. And I'm flies" sabi nito.
Natawa ako sa sinabi nito "What did you say?" Tanong ko.
"You ipis and I am the flies" naka turo pa ito sa sarili niya.
"Literally----were not insect Randel" sabi ko.
"We are. Flies ako. Dahil yung gusto kong dapuan hindi pwede. At kung sakali man, bawal. At ikaw ipis ka, nandiyan ka na sa tabi niya, pero gusto ka naman niyan mawala. Gusto ka niyang patayin" mahabang paliwanag nito na ikinalito ko naman.
"I don't get it" sabi ko.
"Don't worry me too" saka ito tumawa kaya nahawa naman ako dito.
"Bye the way, when are you going back to the Philippines? " tanong nito.
"The next day, why?"
"Ahhh" sabi lang nito. Kinuha niyo ang cellphone ko na nakapatong sa lamesa.
"Anong ginagawa mo?" takang tanong ko.
"Nothing. You have my number and I have yours" sabi nito dahil tinawagan niya ang cellphone niya using mine "just in case you need someone to talk to" nakangiting sabi nito saka binalikan ang cellphone ko.
"Okay. Ikaw mag bahala" sabi ko nalang.
"Sayang no" sabi nito muli.
"Ang Alin? " Kanina pa ako naguguluhan kay Randel.
"Nothing" sagot lang nito saka kumain.
Napapailing nalang ako sa mga salitang binibitiwan ni Randel.
Napalingon ako at ngayon ko lang napansin na kanina pa pala may nagmamasid sa amin sa di kalayuan.
________
After ng honeymoon trip namin sa Paris ay sa bahay na binili ni daddy Kenzo kami nag tuloy.
At tulad ng inaasahan ko ay kibuin at hindi ako ni Red.
Bagay na unti unti ko nang nakakasanayan.
Nang hapong iyon ay kinausap ko ito.
"Red, hindi ba tayo kukuha ng kasambahay?" tanong ko habang naghahapunan kami.
Tumingin ito sa akin ng matalim "What for? Kaya nga nandiyan ka di ba. Gampanan mo ang trabaho mo bilang asawa ko" paasik na sagot nito saka mabilis na tumayo at umakyat papuntang kwarto.
Naiwan akong nakatulala.
Hindi ko inaasahan na ganito ang gagawing pakikitungo sa akin ni Red.
Akala ko ay hindi niya lang ako kakausapin. Pero ang taasan ako nito ng boses ay bago sakin.
Dahil kailan man ay hindi ko naranasang sigawan ako o pagalitan ng mga magulang ko.
Pinilit kong tapusin ang pagkain dahil ayaw kong magsayang ng pagkain.
Nagpalipas muna ako ng oras sa panonood ng TV sa sala.
Nang makaramdam ako ng antok saka lang ako nagpasyang pumunta na sa kwarto.
Pagtapat ko sa master's bedroom ay narinig kong may kausap ito, tumatawa pa nga nito.
Nakaramdam ako ng selos at inggit. Dahil alam kong si Ven ang kausap nito.
Si Ven, kaya niyang pasayahin at patawanin.
At higit sa lahat, malaya niya itong mahalin.
Hindi katulad ko.
Dumiretso ako sa magiging kwarto ko.
Oo----hindi kami katulad sa mga normal na mag asawa na magkasama sa iisang kwarto.
Siya sa master's bedroom at ako ay sa guest room katabi ng kwarto niya.
Sinabi niya agad ang mga kondisyon niya ng makarating kami dito sa magiging bahay namin after naming manggaling sa Paris.
Na hiwalay ang kwarto, na magsasama kami hindi bilang mag asawa.
Bawal ang makialam sa isa't isa.
Siya ang bahala sa lahat at ako, susunod lang sa mga gusto niya.
Hindi ako tumutol sa mga gusto niya.
Umaasa ako na baka sakaling sa pag sunod ko sa mga kondisyon niya ay unti unti niya akong matanggap sa buhay niya at matutunang mahalin pagdating ng panahon.
Kung kailan yon, hindi ko alam.
-
Maaga akong gumising ng umagang yon. Kailangan kong gampanan ang tungkulin ko bilang isang asawa.
Asawa sa papel
Hindi naman ako nahirapan sa pagluluto dahil nga sanay na ako. Sa masigasig na pagtuturo ni mama at ni nanay Pinang.
Nakakamis din pala ang dati naming bahay.
Yung masaya agad pag gising mo.
May good morning mula sa mga magulang mo, kay nanay Pinang at Fe.
Kay Red, baka singhal pa ang ipang good morning no sakin.
Saktong nakatapos na ako magluto ng bumaba ito. Nakabihis na nito.
Bukod sa restaurant na negosyo nito ngayon ay kinuha din siya ng isa sa mga ninong namin sa kasal na mag manage ng negosyo nito. Import and export ng mga dry goods.
Inasikaso ko ito tulad ng sa isang tunay na asawa.
Pinaglagay ng fried egg at bacon sa plato ganon narin bread toast.
Pinagtimpla ng hot coffee.Ready narin ang newspaper na nasa tabi ng plato nito.
Hindi ito kumibo at nagsimulang kumain.
Nang makatapos ito ay mabilis din itong tumayo at pumunta sa garahe.
Narinig ko nalang ang tunog ng makina ng sasakyan nito palayo.
Umalis nang wala man lang paalam.
Kaya mo yan Adel...mahal mo di ba.
Tiis tiis...
Para narin di mag alala ang mga magulang ko
To be continued...
Oh hayan na po...mahaba na yan.
Free lang ako kaya nakapag update ng mahaba...
Wag mag expect na araw araw ay ganyan 😂😂😂
Minsanan lang bai...
Kalma lang kayo ha...Yung mga puso niyo. Nakadikit lang ng kaning sunog

BINABASA MO ANG
SPARKS from RED
Fiksi PenggemarWAGAS na pagmamahal? Meron pa nga ba nito? Kayo ba? Naranasan niyo na bang mahalin ng WAGAS o nagmahal na ba kayo ng WAGAS ?